Bela Padilla nakalikom ng P3.3M para sa apektado ng 'community quarantine'
MANILA, Philippines — Labis-labis ang pasasalamat ng aktres na si Bela Padilla sa mga nagbigay ng donasyon para sa mga mahihirap na tinamaan ang kabuhayan habang papatindi ang pananalasa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sobra-sobra ito sa P1 milyon na una niyang target, na pakikinabangan ng mga street vendors na walang benta dahil sa enhanced community quarantine.
"I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos. We are now at 3.3M pesos," sabi niya sa kanyang tweet, Miyerkules ng umaga.
I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos. We are now at 3.3M pesos. ??????????????????????????????
— Bela Padilla (@padillabela) March 18, 2020
Kahapon lang nang maabot nila ang inaasintang milyon, hanggang sa lumobo na ito nang lumobo.
We hit the target of 1,000,000 pesos!!!! ?????????????????? thank you!!! Looking for the best deals for food now and hopefully be able to deliver everything this week! THANK YOU ??
— Bela Padilla (@padillabela) March 17, 2020
WE RAISED NEARLY 1.4M PESOS. FEEL GOOD ABOUT YOURSELF AND GIVE YOURSELF A HIGH FIVE IN THE MIRROR! IM PROUD OF ALL OF US ????????
— Bela Padilla (@padillabela) March 17, 2020
Una nang sinabi ni Bela na plano talaga nilang malampasan ang target sa loob ng isang linggo.
Pero tila hindi niya akalain na magagawa niya ito sa loob lamang ng dalawang araw.
Makikita sa GoGetFunding link na ito na itinigil na ni Bela ang pangangalap ng pera kahit na may 13 days pang natitira sa campaign.
Nasa P1,370,536 ang halagang nasa pahina.
"Our favorite taho, dirty ice cream and bananacue vendors wont be able to secure enough money to guarantee food for their families at the end of the day for one month until our community quarantine is over," sabi niya sa page.
"[L]ets look out for them please and donate what we can and lets split the money we raise 16 ways for the 16 cities of Metro Manila affected by this temporary lockdown."
Lunes nang ilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang buong Luzon, dahilan para ilagay sa striktong hindi palabasin ng bahay ang mga tao.
Layunin nitong masawata ang lalong pagkalat ng COVID-19, na tumama na sa 193 katao sa Pilipinas — 14 sa kanila ang namatay na.
Suspendido na rin ang mga transportasyon habang kalat-kalat na ang mga pulis at militar sa mga kalsada.
Inilagay na rin kahapon ang buong Pilipinas sa anim na buwang state of calamity, kung kaya't maaari nang manawagan ng "international humanitarian assistance" ang bansa.
- Latest