Mayor Sara naghahanda na para sa kanyang filmbio?!

Mayor Sara

Nabanggit sa amin ni Baby Go ng BG Films International nung nag-guest siya sa radio program namin sa DZRH na meron daw silang pinaghahandaang malaking film project, pero hindi pa puwedeng sabihin sa ngayon. Gusto raw niyang maging active uli ang film production pag humupa na ang takot ng lahat sa COVID-19.

Napag-alamang gagawin pala ng Bulacan Governor Daniel Fernando ang kuwento ng Battle of Quingua na naganap noong Abril 23, 1899 na kasagsagan ng Philippine-American War (1899-1902). Si Gov. Daniel ang magbibida na kung saan gagampanan niya ang role bilang si Lt. Col. Pablo Tecson, at maaring co-production nila ni Madam Baby Go.

May kinausap na rin daw silang direktor na gagawa nito, pero ewan ko lang kung nagkasarahan sila.

Bukod dito, nandiyan pa rin ang iba pang pagpu-produce ng biopic kagaya ng Malvar na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao na tigil-shooting din.

Pero ayon sa nasagap naming kuwento, P100M daw ang production budget ng Malvar project na ito, na ilalahok sa 46th MMFF (Metro Manila Film Festival) sa Disyembre.

Ewan ko lang kung matutuloy ang pagsali rito ng mga kilalang actors/politicians na ang mga naunang lumabas na magbibida ay sina Manila City Mayor Isko Moreno bilang Andres Bonifacio, dating Laguna Governor E. R. Ejercito bilang Emilio Aguinaldo, at Bulacan Governor Daniel Fernando bilang Emilio Jacinto. Si direk Jose “Kaka” Balagtas daw ang magdidirek.

Isa pang nakuha rin naming kuwento ay ang balak daw na pagsasapelikula ng kuwento ng buhay ng Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Mukhang makulay naman ang kuwento ni Inday Sara na malamang ilalahad na rin ang kuwento ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi ko lang alam kung sino ang magsusulat, pero meron na rin daw silang kinausap na premyadong direktor pero hindi pa yata nagkasarahan.

Curious lang kami kung para saan itong filmbio ni Inday Sara. Paghahanda na nga kaya ito sa kung ano man ang balak niya sa taong 2022?

Sharon at KC tinapos na ang ‘awayan’

Ang pagkakaayos kaya nila ni  KC Concepcion ang dahilan kung bakit naging active uli si Sharon Cuneta sa social media?

Nakikita sa isang post niya na pinu-promote nito ang YouTube Channel ni KC.

Nagpasalamat sa kanya si KC at sinagot niya ng “You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”

Dito naman nakikita na kahit anong mangyari, hindi kakayanin ng isang ina na itakwil ang kanyang anak.

Nakikita ang unconditional love ni Sharon sa kanyang mga anak. Kaya siguro tapos na ‘yung mga ilan pang kumakalat na kuwento kung bakit sila noon nagkaroon ng problema.

Isa pa sa naaliw kaming post ni Sharon ay ang unforgettable number niya noon sa The Sharon Cuneta Show na kung saan nakiuso rin siya sa mga nag-tangga, dahil ang payat at ang sexy pa niya nung panahong iyun. “Revenge body” daw niya iyun pagkatapos ng hiwalayan nila ni Gabby Concepcion.

Sabi pa niya sa IG post niyang iyun; “115-118lbs. in Pasan Ko ang Daigdig, the movie I shot before this, and during which naghiwalay kami, I hit my lowest weight of 109! Eh 5’6” ako.”

Makikita raw sa YouTube channel niya ang ilang bahagi ng dance number niyang iyun na ung saan dun daw niya naipakitang long-legged siya. Pahabol pa nga na post niya; “Oo chance ko na sabihin ito---long-legged ako!!!!”

Show comments