PSN mas tumibay ang kredibilidad!

Mr. Fu, Lolit at Cristy

Naisip mo ba Salve na sa 35th anniversary ng PSN (Pilipino Star NGAYON) next year, magkakaroon pa ng mga ganitong pangyayari? ‘Yung enhanced community quarantine kaya nagkaroon ng deklarasyon  ng lockdown sa work force.

Iyon ngang biro na dahil skeletal force lang ang puwedeng magtrabaho  kaya hindi puwedeng pumasok ang mga chubby o mataba dahil skeleton ang kailangan.

Sa ganitong pagkakataon, siguro nga laughter will be the best medicine.

At sa panahon ngayon, ang credibility ng PSN na sa loob ng 34 years ay naging paborito ng mga reader, lalo pang tumibay.

Sige lang, hatid lang ng news, ito ang puwede na lang natin gawin sa ngayon at sana ang PSN ang unang mag-break ng good news, headline ‘no more Coronavirus, knockdown by Heaven’.

Covid pinahinto ang ikot ng mundo

Parang huminto ang mundo dahil sa COVID-19. Akala ko hindi tatamaan ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) na mabuti na lang naka-celebrate na tayo ng one year anniversary bago pumasok ang coronavirus sa kamalayan natin.

Bongga siya na pinahinto niya for a while ang ikot ng mundo, ang galaw ng showbiz na akala mo hindi maapektuhan ng kahit ano.

Hindi mo talaga aakalain na darating sa ating lifetime ang experience na ito.

Iyon makikita mo na ‘yung streets of all cities mga naka-mask na ang mga tao, iyon scary thoughts of so many death.

Pero I feel lucky na in my lifetime na-experience ko ito. Now I know the feeling of the saying na in a click of a finger, puwede mabago ang buhay mo. Iyon regular mong ginagawa, puwede maiba, maapektuhan.

God is really with us, giving us lessons in His own way. Siguro naman, kahit sandali, nagawa natin mag-reflect, itanong sa ating mga sarili how lucky we are and share kung anuman puwede natin gawin to get over this nightmare. Wake up from this bad dream and be a new person. We owe it to God na ayusin ang mga bagay na mali sa paligid natin.

Show comments