Mel Tiangco forever na sa GMA
Mananatiling Kapuso ang multi-awarded broadcast journalist na si Mel Tiangco matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7 last week.
Loyal Kapuso si Ms. Mel since 1996 na co-anchor sa GMA’s flagship newscast 24 Oras at host ng award-winning drama anthology na Magpakailanman.
She concurrently din serves as the founder and ambassador of GMA Kapuso Foundation, socio-civic arm ng network.
“Walang sawa ang aking pagpapasalamat sa GMA dahil sa mahigit dalawang dekada naming pagsasama ay walang sawa rin ang mabuting pakikitungo nila sa akin. And I always thank the Lord na patuloy akong binibigyan ng lakas upang makapagsilbi at makapagbahagi ng aking kakayahan sa mga Kapuso. I hope and pray na magtuloy-tuloy pa ang pagtitiwala at pagmamahal nila sa akin sa mas marami pang mga taon,” pahayag niya after the contract signing kung saan present sina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., EVP and CFO Felipe S. Yalong, and SVP for News and Public Affairs Marissa L. Flores. Naging witness din sina Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz and Assistant Vice President for Corporate Communications Jojo Aquio.
“Alam naman ng lahat kung gaano kagaling si Mel Tiangco as an anchor. Hindi lang sa news, pati na rin sa top-rating program na Magpakailanman. At ‘yung kanyang sincerity na makapagserbisyo sa mga tao sa Kapuso Foundation ay talagang hindi mo maku-question. Kaya naman talagang we are lucky to have Mel Tiangco with us,” sabi ni Mr. Gozon.
At kung mukhang forever Kapuso na nga si Ms. Mel, ang dati naman niyang ka-tandem na si Mr. Jay Sonza ay tuluyan nang ‘di nakabalik sa mainstream reporting kaya sa mga social media na lang siya madalas marinig.
- Latest