Good call ‘yung ginawang self-quarantine ng mga senador at ilang high officials. Sila na mismo ang nag-decide para makatulong sa mabilis na pagsugpo ng pagkalat ng coronavirus.
Very romantic nang mag-declare ng self-quarantine si Senator Win Gatchalian, kinabukasan ibinalita na magsi-self quarantine din si Bianca Manalo. Bongga ha. Talagang sa gitna ng takot, meron pa ring chika, hahaha, sabay na nag-quarantine.
Very romantic ‘di ba?
Mukha ngang all the way to the altar na ang Win-Bianca romance.
Sana nga, at least good news sa gitna ng coronavirus.
At ewan ko kung bakit sobrang apektado ang lahat sa coronavirus. ‘Yung naging chain of reaction talagang buong mundo apektado. Andun ‘yung takot na para bang any moment, babagsak lahat.
Siguro nga sa ganitong paraan ipinadama sa atin na lahat pantay-pantay, walang malaki o malakas.
Naiyak ako dun sa pamilya ng mag-asawang namatay ‘yung babae habang nasa ospital ‘yung tatay at ang mga anak hindi puwedeng pumunta dahil merong travel ban sa bansa kung nasaan sila.
Na-cremate ang nanay na walang kasama atnasa hospital pa ang tatay na hindi nadadalaw.
So sad for a family na mangyari, pero ganun ang naging sitwasyon. Paano nangyari ang ganito? Di ba parang akala natin alam na natin lahat ng bagay, advance ang technology pero heto tayo ngayon takot na takot.
Hindi mo gustong lumabas ng bahay, ayaw mo nang magbasa ng news, pati ang simbahan kung saan ka tumatakbo para humingi ng tulong sa pamamagitan ng dasal, wala munang misa.
God, are you forsaking us? Hindi mo na ba kami mahal? O meron ka lang gusto ituro sa amin?
Please God, pahintuin mo na ang mga ganitong pangyayari.
Robin ngayon dapat tumulong
At merong epekto sa emosyon nating lahat ‘yung makakita ka ng programa na parang masaya ang mga tao sa gitna ng fear sa coronavirus.
Kahit pa nga nakalagay na taped in advance ‘yung programa kung saan halu-halo ang mga tao, siksikan, nagkakagulo, para bang napaka-insensitive pala ‘pag pinapanood mo ngayon ang mga ganun.
Tama nga ang desisyon na wala munang audience ang live shows.
Dapat lang talaga ang preventive measures para hindi dumami ang biktima.
Now mo damang-dama ang epekto, dahil pinahinto na ang mga taping at shooting para sa safety ng lahat.
Sana nga lang, mabigyan ng kahit konting financial help ang mga apektado. Dito dapat tumulong ang big stars, sana magkaroon ng pass the hat around para sa mga staff at crew na affected.
Ito na ‘yung panahon mo para manawagan Robin Padilla. ‘Yung mga sinasabi mong mataas ang talent fee, dapat ng mag-share. Now is the time.