Ate Vi Namigay ng ligtas bags
Kamakailan lang ay nakipagsanib-pwersa sina Sen. Ralph Recto at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa ABS-CBN Foundation para mamahagi ng Ligtas Bags sa mga bakwit ng Taal. Laman ng bag na ibinigay sa mga taga-San Nicolas, Agoncillo, Lemery, Taal, Laurel, at Talisay ang mga mahahalagang kagamitan na kakailanganin kapag tumama ang isang sakuna.
Ito ay kahit na nga ibinababa na sa Alert Level 2 ang estado ng bulkang Taal.
“Pasalamatan po natin ang ABS-CBN. Hindi lang sa paghatid ng saya sa ating lahat gabi-gabi, kung hindi sa pagtulong din sa lahat ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna,” ani ng Senador.
Dagdag ni Rep. Santos-Recto, “gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN sa mga ipinamamahagi ninyo ngayon sa Batangas, lalo na sa mga naging biktima. Malaking pakinabang at tulong po itong Ligtas Bags.”
Noong Pebrero 6, umabot na sa 23,923 na pamilya o mahigit 100,000 katao ang nakatanggap ng relief packs sa mga evacuation center at home-based evacuation center, habang 5,403 ang nakakain ng mainit na sopas mula sa Soup Kitchen, at 663 na indibidwal naman ang binigyan ng psychological first aid.
Dahil sa trauma na posibleng dulot ng pagsa-bog ng Taal, nagsagawa ang social workers ng Bantay Bata 163 ng therapeutic play activities sa Calumpang East Elementary School sa San Luis, Batangas, upang mawala ang takot at pangamba ng mga bata.
- Latest