Malaki ang pasasalamat ni Bugoy Drilon sa mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa kanya. Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ng singer ngayon. Ayon kay Bugoy ay hindi talaga dapat mainip sa paghihintay upang maabot ang mga pinapangarap lang niya noon. “God is good. Sobrang blessed ako lalo na this year. Very thankful ako na nandiyan sila. Everything happens for a reason. I waited and waited. Ang key lang talaga na-realize ko is huwag kang mainip kasi hindi mo masasabi ang time. Hindi mo masasabi ang panahon kung kailan. Kung mangyayari talaga ‘yon, mangyayari talaga ‘yon,” nakangiting pahayag ni Bugoy.
Bukod sa Budakhel Live: Best of the ‘90s concert na gaganapin sa March 20 kasama sina Daryl Ong at Michael Pangilinan ay nakatakda ring pumunta ng singer sa Amerika sa susunod na buwan para sa ilang shows. “Actually naaprubahan pa lang ‘yung visa namin. Muntik pa akong hindi umabot sa interview. Buti nag-Angkas na ako. May show kaming tatlo sa California in April, sa Los Angeles and the Bay Area. Guest lang kami nung apat na comedian. Kaming dalawa doon ni Daryl Ong,” pagbabahagi ng singer.
Mahigit sampung taon na sa show business si Bugoy. Para sa singer ay mahalagang nagkakaroon din ng reinvention sa sarili para sa ikagaganda ng career. “You always have to reinvent yourself. Huwag kang mag-settle sa kung anong meron ka lang. Kasi people already know that you’re a singer, so anong next mo na gagawin? You have to take a challenge sa sarili mo. You have to take risks sa sarili mo and with your music as well. I was doing ballads then indie, then I tried reggae. Now I’m trying to be pure R&B beat,” paglalahad niya.
Roxanne Naramdaman ang ama kay Al Tantay
Simula sa Biyernes ay mapapanood na sa iWant ang pelikulang Fluid na pinagbibidahan ni Roxanne Barcelo, Joross Gamboa, Al Tantay at Janice de Belen. Aminado si Roxanne na talagang nahirapan siya sa naturang digital film dahil nagkaroon sila ng kissing scenes ng beauty queen na si Ann Colis. “You have to be moldable and be directed every way possible. Masasabi ko na kinalimutan ko talaga ang sarili ko as Roxanne to this one all out talaga,” bungad ni Roxanne.
Naging emosyonal din ang aktres sa isang eksena kasama si Al dahil naaalala ni Roxanne ang namayapang ama sa beteranong aktor. “Kagabi lang ako nakayakap ng…always like my dad. Sobra, akala nga nila pinapagalitan ako ni direk eh, di naman kasi na-explain sa kanila. Nagri-reading kami ni direk Al, hindi ako makapagsalita, sige, ‘take na, take na,’” kwento ng dalaga. (Reports from JCC)