Lagi na lang: Bamboo Mañalac dehins pa chugi, pinuntirya uli ng 'fake news'
MANILA, Philippines — Very much alive and kicking pa rin ang "The Voice Teens" coach na si Bamboo Mañalac, taliwas sa kumakalat na mga balita sa social media na pumanaw na siya.
Sa website na Netw0rk-Channel.ucva.club, sinabi kasing "namatay" ang dating Rivermaya at Bamboo vocalist noong ika-6 ng Marso.
"BREAKlNG NEWS: PAALAM 'BAMBOO MANALAC', SaIamat sa lnspirasyong Binigay Mo...1976-2020 (MASELANG PANOORIN)," wika ng pekeng site.
Pero noong Linggo, ika-8 ng Marso, matatandaang kare-recruit pa lang niya ng tatlong teenagers para sa kanyang "The Voice" team.
Anim na araw pa lang din ang nakalilipas nang maglabas ng commercial ang rock icon para sa isang tanyag na brand ng beer.
Nalulungkot tuloy ang kampo ng mang-aawit dahil sa panibagong death hoax, ayon sa ulat ng ABS-CBN kanina. Sa Kapamilya network umeere ang programa nina Bamboo.
Aniya, abalang-abala pa nga raw sa pagco-coach ng mga teenage singers ang artist tuwing Sabado'y Linggo.
Paulit-ulit nang "pinapatay" sa social media ang singer, tulad na lang nang kumalat ang balitang bumangga raw ang sinasakyan niyang kotse sa probinsya ng Quezon noong 2019.
Noong Pebrero, marami uli ang nag-share ng nasabing balita, dahilan para paniwalaan ito nang marami.
Ang netizens tuloy, pinagkatuwaan na lang sa bagong japeks na ugong-ugong.
Tae. Woke up coz my mum kept on asking me "PATAY NA SI BAMBOO???"
— 03/09 #SUGADAY (@BulletproofAnne) March 9, 2020
Mamy, fake news yan. Haaaaay
Kasasabi ko lang wag mag spread ng fake news ano na naman tong patay na si Bamboo
— ??????? ?s????? (@camilleysabela) March 9, 2020
Sabi naman ni Joell Andrea Vermillion Pasugnod sa Facebook, sana'y sinagad na ito ng mga walang magawa dahil maya't maya na lang itong ikinakalat.
"Gawin nyo nalang ding every month death nya nahiya pa kayo," biro niya.
Ganyan din ang tono ni Prokorpio Policarpio sa parehong socmed site noong Linggo: "3 yrs na po siyang paulit ulit na namamatay."
Kahapon lang nang ibalita ng Philstar.com na malabo na reunion nila ng Rivermaya, kung saan siya unang sumikat.
“Tingin ko hindi na. Ayokong sabihing hindi na talaga [mangyayari]... pero tingin ko hindi na dahil, uli, labag 'yun sa ginagawa ko — sa pinaniniwalaan ko ," banggit niya.
- Latest