Bago pasukin ang music industry ay naging isang ganap na animator si Daryl Ong dahil may background ang singer sa Fine Arts. Nakagawa pa si Daryl ng animation para sa mga programang Super Inggo at Ang Super Tropa ng ABS-CBN sampung taon na ang nakalilipas. “Kasi noon sa third floor kami tapos every time na nagko-coffee break kami, sinisipat ko ‘yung recording studio ng ABS-CBN. Tinitingnan ko, sabi ko sana may matiyempuhan akong singer or sana someday baka maka-record ako diyan. After no’ng nag-animator ako, nagbanda ako, long route. Saka ako nag-audition sa The Voice. Hindi pa rin ako nanalo. Kumbaga, hindi talaga meant sa akin ‘yung competition. Pero nabigyan ako ng chance din ng ABS-CBN especially Dreamscape. Sobrang thankful ako kina Sir Deo (Endrinal),” nakangiting pahayag ni Daryl.
Maraming kanta ng singer ang ginamit bilang theme song ng mga teleserye ng Kapamilya network kaya masayang-masaya si Daryl. “Ang una kong teleserye theme song na nag-hit ay Ikaw Na Nga sa Bridges of Love under Star Creatives. Tapos after no’n ‘yung Dreamscape binigyan na ako, ‘yung pinakamalakas sa On The Wings of Love. Parang two weeks na lang patapos na ‘yung teleserye eh tapos ‘yung break up song, pinakanta sa akin ‘yung Stay. After no’n pumasok na ‘yung Basta’t Kasama Kita, Probinsyano, How Did You Know, Ikaw Lang ang Iibigin nina Gerald (Anderson) at Maja (Salvador). For a time parang pitong teleserye yata ‘yung nabigay sa akin,” pagbabahagi niya.
Jackie, susubok uling mag-artista
Maayos na ngayon ang relasyon ni Jackie Forster sa dalawang anak nila ni Benjie Paras na sina Andre at Kobe. Para sa aktres ay nasa tamang gulang na ang mga anak upang magdesisyon para sa sarili. “Everything is okay na and they’re adults na,” nakangiting bungad ni Jackie.
Bukod sa pagiging mga basketbolista ay sumabak na rin sa show business sina Andre at Kobe. Bilang ina ay sobrang maipagmamalaki umano ni Jackie ang narating ng kanilang mga anak ni Benjie. Mas unang pinasok ni Andre ang pag-aartista ilang taon na ang nakararaan at ngayon nga ay sumunod na rin si Kobe sa mga yapak ng nakatatandang kapatid. Ayon kay Jackie ay talagang suportado niya ang dalawang anak lalo na noong nalamang interesado na rin si Kobe na pasukin ang show business.
Kasalukuyang nasa bansa si Jackie at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw subukang muli ng aktres ang pag-arte sa harap ng kamera. (Reports from JCC)