Kahit nakapahinga, John Lloyd at Kris kasama pa rin sa top 500 taxpayers sa ‘Pinas

John Lloyd

Mga sikat na loveteam waley

Isang kaibigan namin ang nagpadala ng impormasyon na meron palang 39 showbiz celebrities ang kabilang sa BIR Top 500 taxpayers.

Nakalagay pa kung magkano ang ibinayad nila nung nakaraang taon, pero hindi ko na isusulat dito dahil hindi niya binanggit sa akin kung saan ang source nito.

Pero sa 39 celebrities na ito, nangunguna raw si Sen. Manny Pacquiao.

Kabilang din sina Piolo Pascual na nasa 14th position ng top 500, si John Lloyd Cruz na pang-15th, si Kris Aquino na pang-16th, Sharon Cuneta na pang-19th, at Willie Revillame na 20th.

Nasa listahan din sina Anne Curtis, Vice Ganda, Judy Ann Santos-Agon­cillo, Coco Martin, Vic Sotto, Dingdong Dantes, Sarah Geronimo, Michael V at Bea Alonzo.

Nandun din ang mga kilalang broadcasters na sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jessica Soho, Noli de Castro at Boy Abunda.

Nakita rin namin sa listahan ang mga TV executives na sina Charo Santos, Lauren Dyogi.

Nagtataka lang kami bakit hindi kasali ang mga sikat na loveteams na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at Alden Richards at Maine Mendoza, pati si Marian Rivera na maraming ini-endorse sa ngayon.

Hindi na nga active two years ago pa sina John Lloyd at Kris, pero ang laki pa rin ng binabayaran nilang tax.

Pelikula nina Coco at Angelica pinagdududahan ang pagpasok  sa Summer Filmfest

Halos lahat ay agree na maganda ang line-up ng walong pelikulang kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

Pero naiintriga na ang pelikula ng Star Cinema na Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

Hanggang ngayon kasi ay nagsu-shooting pa rin sila at ang latest na nabalitaan namin ay magsu-shoot pa raw sila ng ilang eksena sa Dubai.

Kaya nagdu-double taping daw ngayon ang Ang Probinsyano dahil mawawala raw si Coco ng ilang araw para mag-shoot sa naturang bansa.

May ilang nagtatanong kung bakit nakapasok itong entry ng Star Cinema nang hindi pa pala tapos ang pelikula.

Finished films dapat ang isa-submit kaya bakit nga naman nagsu-shooting pa itong kina Coco at Angelica.

Sabi naman ng spokesperson ng Summer MMFF na si Noel Ferrer, aware ang Selection Committee na meron pa talagang kukunan.

Hindi lang naman ito ang nag-submit ng hindi pa tapos kundi may mga ilan ding entries na hindi pa buo at aware ang lahat na taga-Selection Committee. “Karamihan ng mga  entries ay ganoon din—sa special effects, aayusin pa na sound design, at ipa-finalize pa ang music.

“Varying levels ng kakulangan ang kinonsider ng Selection Committee bago sila nakapagpasya ng final 8 official entries.

“Mas pinili ng Selection Committee ang magandang kulang at pupunan pa, kaysa iyung tapos na pelikula pero salat from the very start,” sabi ng spokesperson ng MMFF.

Kaya excited ang mga taga-MMFF sa kauna-unahang Summer MMFF dahil very positive ang feedback sa walong pelikulang kalahok.

Nilinaw na rin ni Chairman Danny Lim ng MMDA na kung ano ang incentives.

 “May incentives pa tayo gaya ‘yung sa December na kung sinong mananalong Best Picture, mai-sponsor natin sa mga international filmfests para magkaroon ng exposure at magkaroon ng pagkakataong manalo ng international awards which we are doing now.

“So, sabi ko pati ‘tong Summer filmfest na ito, kung sino yung lalabas na Best Picture diyan, i-sponsor din natin sa mga international filmfests.

“Yung mga awards na ibibigay natin ganundin.

“Ayaw natin masabi na itong Summer filmfest ay second class sa ano…dapat pareho yan,” sabi pa ni Chairman Lim.

Show comments