^

PSN Showbiz

Tambayan ni Mother Lily apektado ng COVID

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tambayan ni Mother Lily apektado ng COVID
Mother Lily

Naku hindi ko matanggap na totoo ‘yung kumalat na merong taga-Greenhills na nag-positive sa COVID-19. ‘Yung Greenhills ang shopping area na para bang pinaka-accessible sa lahat. At isa ako sa natutuwa   sa set up ng Greenhills na merong tiange kung saan karamihan ng stall owners eh mga Maranaw, mga kapatid nating Muslim. Isa itong lugar na patunay na puwedeng magsama ang Christians at Muslims sa isang lugar at maging mapayapa ang lahat. Dito ang standby area ni Mother Lily Monteverde dahil sa Greenhills siya nakatira. Lagi tayo sa Gloria Maris sa Greenhills ganundin sa Kamiseta, Gold & Gems, kay Charlie na siyang nagda-download ng mga pinapanood kong koreanovela, sa iStudio pag pinapaayos ko ang phone ko.

Masyadong marami ang affected sa balitang ito, na wini-wish ko na sana naman ay hindi totoo. Kasi nga ang COVID ay para rin pneumonia ang signs kaya baka naman nabigla lang at nasabi na coronavirus ‘yung nakita sa maysakit.

Sana naman maging mabilis ang testing sa pasyente para maibalita agad ang resulta. Malaking kawalan sa mga nagtitinda sa Greenhills ang magiging epekto ng balitang ito. Please pray na hindi totoo at hindi magkatotoo. 

Dingdong inaabangan ang kapalaran
kung matutulad sa Miracle…

Sana Salve, tulad ng naging resulta ng Miracle in Cell No. 7 ang maging tagumpay ng A Hard Day ni Dingdong Dantes. Ang ganda ng trailer at talagang sa built at pagiging physically fit ni Dingdong, bagay na bagay sa kanya iyon action ng Hard Day.

Nakita mo ba na hindi pa-glamour ang character niya rito na bagay na bagay sa physique ni Dingdong.

Sana magustuhan din ito dahil maganda rin ang istorya ng Hard Day korean original. At least kung iyon storyline ng original ang sinundan, sure na tayo na magiging maganda din ang takbo ng pelikula ni Dingdong na mapapanood sa Metro Manila Summer Film Festival.

MGA PINOY WRITER

NANGONGOPYA NA LANG?!

Naalala ko lang noon na si Mama Mina del Rosario ng Viva Films, mahilig magbasa ng komiks kaya kadalasan ‘yung mga pelikula ng Viva Films halaw sa comics ni Pablo Gomez at iba pang comics writer.

Ngayon iba naman ang takbo, mukhang ang pinapanood ng mga think tanks ng production ay mga Koreanovela at ‘yun naman ang ginagawang pelikula o plot ng TV show.

Medyo katamaran ng writers kung iisipin mo pero siguro nga mas safe pa na kopyahin na lang ang isang magandang storyline at i-adapt sa local movie o shows para sure ka na agad sa resulta. ‘Yung istorya naman ay universal, ‘yung sa adaptation nagkakatalo, kung paano executed ang mga eksena, kung tama ba ang character sa pinili mong artista. Kasi ‘yun din ang magiging problema, ‘yung Korean version hindi nagre-rely masyado sa star power o loveteam. Dito sa atin, ‘yung star agad ang priority. ‘Pag hindi malaki ang star parang hindi agad papasa. Kaya nagkakaroon din ng ibang epekto. Pero parang at least merong headstart ‘pag adaptation, meron ka na agad idea sa takbo ng istorya.

From comics to Koreanovela, palagay mo Salve, good ito sa local showbiz? (Hindi po. Hihihi. Sayang naman ang talent ng mga Pinoy writers. – Salve A.)

COVID-19

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with