Papatunayan ni Roxanne Barcelo na walang limitasyon ang tunay na pag-ibig sa bagong romcom na Fluid, kung saan mahihirapan siyang mamili sa isang babae at dating nobyo.
Mapapanood na ito sa iWant simula Marso 13.
Susundan ng Fluid ang makulay na buhay ni Mitch (Roxanne), na susubukang mag-move on matapos lokohin at saktan ng ex-boyfriend.
Kahit hindi pa nagkakarelasyon sa isang babae, susubukang makipag-date ni Mitch (Roxanne) sa mga babae matapos makumbinsi ng mga kaibigan.
Kahit na bigo sa una, makikilala niya si George (Ann Colis), isang proud na lesbian na bubuksan ang isipan ni Mitch at ipapadama sa kanya ang saya at suportang hindi nakuha sa dating relasyon.
Ngunit manganganib na maudlot ang pagtitinginan ng dalawa dahil papasok sa eksena ang ex-boyfriend ni Mitch na si Jacob (Joross Gamboa) para makipag-ayos.
Patawarin kaya ni Mitch si Jacob at makikipagbalikan dito, o pipiliin niya ba si George, ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso?
Hmmm. Tiyak maraming makaka-relate dito.
Ayon kay Direk Benedict Mique, noon pa niya naririnig ang ‘fluid’ nang magturo siya sa isang exclusive all-girls school.
Nung una ayon kay Direk Benedict, hindi niya alam ang solid na meaning nito.
Si Benedict Mique, ang nagdirek din ng Momol Nights, ang pinakapinanood na iWant original movie.
Pinrodus ito ng Lonewolf Films at isinulat nina Carlo Baltazar Ventura, Benedict Mique, at Benjie Mique. Tampok din sa cast nito sina Janice de Belen, Al Tantay, Zar Donato, J-Mee Kantayag, at Emmanuelle Vera.
Anyway, three years na palang happy and single si Roxanne.
“Yung na-realize ko, I don’t actually need a partner to be happy,” chika ni Roxanne kahapon after the media conference of Fluid.
Ito na raw ang experience niya na nagbigay sa kanya ng kakaibang joy na kahit wala kang lovelife ‘you can enjoy life to the fullest pa rin,” she adds.
Na-rediscover din niya ang sarili niya ngayon at tulad sa ‘Fluid’ nahanap at nakilala rin niya ang sarili niya.
Si Will Devaugh ang huling boyfriend ni Roxanne na may baby na bagong partner.