Kim maraming ipinahiyang artista sa ipinakitang professionalism
Bow na bow ako kay Kim Chiu. Kalokah na nagawa pa niyang magpunta sa taping after mabaril ang van na sinasakyan niya sa Katipunan Avenue.
Imagine na muntik na siyang mamatay kung tinamaan ng bala ng baril pero nagawa pa ring niyang tumuloy sa trabaho.
Saludo ako sa professionalism niya, marami siyang ‘ipinahiya’ sa kanyang ginawa. Ngayon, pag meron umarte na artista at sabihing masakit ang ulo, may konting problema o naiinis sa traffic, lagi mo lang sasabihin ‘hoy, si Kim Chiu nga muntik mamatay pumunta pa rin sa taping, ikaw konting bagay, ang arte mo’.
Hindi na malilimutan ng lahat ang ipinakitang tapang at tatag ni Kim Chiu. Kakaiba ang ipinakita niyang respeto sa trabaho at mga kasamahan niya.
Salute Kim Chiu, idol na kita, promise.
Lagi kong sinasabi ang strength of character ng isang tao ay masusubukan kapag nasa gitna ka ng isang problema. Doon mo makikita ang laman ng utak at tibay ng puso ng isang tao. Iyon ginawa ni Kim pagkatapos pagbabarilin ang sasakyan niya ay isang patunay kung gaano siya kalakas sa kabila ng isang delikadong sitwasyon.
Puwede siyang umuwi na lang, hindi nag-trabaho, nagpa-baby dahil sa nakakatakot na karanasan niya pero hindi, itinuloy niya ang responsibilidad na dapat niyang gawin ng araw na iyon.
Ganyan din ang nakita ko kay Nanette Medved. After the scandal ng filmfest scam, hindi siya nag-self pity, itinuloy niya ang pag-aaral, nakatagpo ng isang mabuting asawa at ngayon tinitingala sa kanyang kinalalagyan.
Character is much more than reputation, it shows what she really is. That value in you, hindi ‘yan mananakaw ng kahit sino at that premium in you that makes you apart from the ordinary.
Mahirap makakita ng mga taong tulad nila. Talbog nila ang marami.
Very precious gems indeed.
Bizaare at Dickies forever….
Dalawang t-shirt brand lang lagi kong suot. Ang Bizaare nina Victor at Lucy So at Dickies nila Papa Dodie Acaya at Joe Atienza.
Sad ako dahil iyon Dickies mag-iiba na ng management, dahil foreign brand ito kaya’t ang mahal ng franchise.
Ang yabang ko pa naman na marami akong Dickies dahil nga sagana ako sa regalo nina Papa Dodie. Spoiled din ako sa Bizaare pero hindi ako gaanong nakakapunta sa branches nila kaya hindi ako gaanong nakakapagsuot ng mga shirt nila at hindi na ako nagagawa ng custom made blouses ni Lucy So.
Sad ako pag meron mga small problems ang mga friend ko sa kanilang business dahil nga siyempre gusto ko lagi sila on top dahil mababait sila at very accommodating.
Isang request lang na bigyan ng t-shirts ang SPEED, o kaya mag-sponsor, madali nila tayong pagbigyan Salve kaya their problems para na rin problema natin. Sayang ang Dickies, at sana huwag mangyari sa Bizaare.
As it is, sure naman ako meron bagong products na ibibigay sila sa public. My Bizaare, my Dickies, forever.
- Latest