‘Daboy hindi naging feeling artista!’
Kung buhay pa si Rudy Fernandez ngayon, 68 years old na sana siya.
Hindi ko nalilimutan si Daboy na para bang tuwang-tuwa ‘pag birthday niya dahil nga sa baby face ito ay hindi mo iisipin na nadaragdagan ang edad.
Isa si Rudy sa napaka-ingat noon sa katawan, parang si Christopher de Leon kaya fit na fit at hindi mo makikitang tumaba.
I miss Rudy dahil siya yata ang artista na hindi feeling artista.
Nagagalit ako sa kanya dahil pag tumawag ka sa landline nila, siya mismo ang sumasagot. Iyon bang hindi siya nagtatago.
At madalas naiinis ako sa kanya dahil basta kilala niya, lalo na iyong mga naging kaibigan niya, pinupuntahan niya pag may party, okasyon o lalo na pag merong wake.
Ang action stars tulad nila Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez, parang hindi mo ma-visualize na mamamatay, tingin mo sa kanila super hero na hindi puwedeng mawala at merong super power, kaya it shocks you na puwede pala silang mamatay.
Dati rin inis na inis ako kay Rudy dahil oras-oras siyang tumatawag para makipag-usap. Telephone addict nga siya pero nang mawala siya, iyon ang na-missed ko, iyon ang hinihintay ko.
Rudy will always be remembered as a good friend dahil ang mga naging kaibigan niyang makakapagpatunay how good he is as a person, how sweet as a friend, a loyal loving man.
Happy birthday Daboy, rest in peace, our prayers for you will never stop. We love you.
Panawagan sa Morrison epektib sa PSN
Naniniwala na ako Salve na malakas talaga ang PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa). Dahil lumabas dun iyong panawagan ko para kay Pauleen Luna-Sotto tungkol sa Morrison stretch mark lotion at natawagan na ako ng PR nila na si Judith at nagpadala ng message ang may-ari na si Morris.
Medyo meron lang hindi naayos kaya nagkaroon ng konting miscommunication, naipaliwanag na nila at inalis na iyon online posting ng photos ni Pauleen.
Sabi ko nga mabait naman talaga ang mag-asawang Morris at Sheena kaya madaling naayos ang lahat.
That time naman talagang ginamit ni Pauleen ang Morrison Lotion para sa strech marks at ginamit ni Gorgy ang eggwhite soap ng Morrison.
Ang ending talaga, naayos lahat dahil nabasa nina Morris at Sheena ang lumabas sa PSN.
Bongga Salve, totoo nga, well read ang diyaryo natin nila Papa Miguel Belmonte. Congrats to us. Bongga.
Bambbi nakumbinsing wala pang karanasan si Hyun Bin
Naloka ako Salve kay Bambbi Fuentes ha. Ang tanong niya sa akin kung iyon bang character ni Hyun Bin sa Crash Landing On You ay isang innocent, inexperienced man, hahaha. Lalaking virgin kumbaga.
Kasi nga may dialogue doon na tinatanong siya ni Seri (So Yi-Jen) kung nagkaroon ba siya ng girlfriend sa middle school or nagkaroon na ba siya ng karelasyon.
Bongga ha, kaya siguro doble kilig ang nanonood ng serye kasi nga para naman hindi totoo na sa panahon ngayon, meron pang lalaking walang experience. Basta ako, ang hindi ko malimutan iyon kay Alberto (Kim Jung-hyun), iyon sinabi niyang ‘no one will cry on my funeral’. Very sad pala iyon.
Iyon idea na ‘pag namatay ka wala man lang luluha sa iyo at wala man lang papansin sa pagkawala mo. Iyon thought na para kang non-entity sa mundo, so sad talaga.
In all fairness ha, iba’t ibang mga eksena ng serye ang napapansin ha, pero sa rami nang napanood kong Koreanovela kaya siguro hindi ako nagulat sa Crash Landing dahil mas marami pa akong napanood na mas maganda at nakakakilig. At promise ko papa Jo In-Sung ko, hindi kita ipagpapalit. Hahaha, solid ako sa iyo, forever!
- Latest