Van na sinasakyan ni Kim Chiu pinagbabaril

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng aktres na si Kim Chiu ang pinsala na tinamo ng kanyang van matapos itong pagbabarilin ng mga di kilalang lalaki Miyerkulas ng umaga.
Mula sa Instagram account ni Kim Chiu

MANILA, Philippines — Sa hindi pa malamang dahilan, pinaulanan ng bala ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu habang papunta sa isang taping ngayong umaga.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Kim na natutulog siya sa loob ng sasakyan nang makarinig ng walong putok ng baril bandang 6 a.m. Sila na pala ang binabaril.

"

Yes I am safe

po. I’m ok and my P.A. And my driver

 as well. Papa Jesus protected us,"

sabi

ng

aktres,

Miyerkules

ng

umaga.

Habang tinatanong ang kanyang driver tungkol sa nangyari, laking gulat na lang daw siya nang makakita ng piraso ng bala na naiwan sa kanyang windshield.

Sinasabing dalawang hindi pa kilalang suspek ang may kagagawan ng krimen.

"'

[

B]uti

nakahiga ako,'"

sabi daw

niya

sa

kanyang

sarili. "Pano kung

tinuloy

ko

magbasa

ng script?... I was so scared."

Sinasabing nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Sa panayam ng radyo

dz

MM, sinabi ni Wilfredo Taperla, driver ng van, na nanggaling ang putok sa kanan at tumagos sa kaliwang bahagi ng salamin.

Palabas daw sila

ng subdivision at

nahinto

sa

isang intersection

nang

paputukan.

May mga ilang kahanay pa raw silang sasakyan nang mangyari ito, kung kaya't inakala nilang iba ang tinatarget ng mga gunmen.

"Naka-motorcyle, may angkas. Dalawa sila. 'Yung nagdala ng baril, malaking mama. Naka-angkas. 'Yun lang poa ng napansin ko," paliwanag ni Taperla.

Mistaken identity?

Ayon pa sa Kapamilya star, wala naman daw siyang kaaway at atraso kanino man kung kaya't malaking palaisipan sa kanya ang motibo ng pananambang.

"I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess??

Napag

tripan?.. This is a bad joke,"

dagdag pa

niya.

"Sana

tininignan

nyo

muna

ang plate number

bago

nyo

paulanan

ng

bala

yung

kotse

ko but

at the end of the day 

inisip

ko

nalang

walang

nasaktan

sa amin."

Sa ngayon, ipinagpapasa-Diyos na lang ni Kim ang nangyari: "Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa."

Hindi pa

sumasagot

sa

panayam

ng PSN si Philippine National Police spokesperson Bernard Banac

sa

ngayon.

Show comments