Panay nga raw ang pasalamat ni Sarah Geronimo sa mga kasama niya na nagbigay ng tribute sa kanya at bumati sa kanyang ginawang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli noong nakaraang linggo. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataong batiin si Sarah dahil hindi nga siya nakapunta sa kanilang Sunday noontime show noong isa pang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang kasal.
Marami talagang dapat na ipagpasalamat si Sarah, dahil tumigil na nga, o napatigil ang galit ng kanyang inang si Mommy Divine, at nanahimik na iyon matapos ang kontrobersiyal na kasal. Maging ang kanyang dating bodyguard na si Jerry Tamara ay napatahimik na rin at hindi na itinuloy ang balak na pagsasampa ng kaso laban kay Matteo Guidicelli dahil sa diumano ay pananapak sa kanya. Mukhang nakumbinsi na rin naman si Tamara na huwag na siyang magdagdag pa ng problema after all maski siya naman ay nagsabing “mababait ang mga amo niya” sa kanya.
Baka naman dahil sa kabaitan ni Sarah, ayaw na rin ngang makadagdag ng gulo ng bodyguard.
Makikita mo rin naman tumatakbo ang isang magandang damage control, para matakpan kung ano man ang negatibong publisidad na nagsimula dahil sa kanilang pinakaka lihim-lihim na kasal ni Matteo.
Ang kinakatakutan nga lang nila, baka naman mabawasan ang appeal ni Sarah ngayon sa pelikula dahil hindi naman sila nakabuo ng loveteam na mag-asawa. Ang malakas pa ring ka-loveteam ni Sarah ay si John Lloyd Cruz, pero puwede pa ba ang loveteam ngayong may asawa na siya? At saka natural naman sa isang artista iyong nababawasan na ang fans oras na siya ay mag-asawa na lalo na nga sa kaso ng mga artistang babae.
Malalaman natin sa mga susunod na buwan kung ano nga ang magiging epekto ng kasal sa kanyang career, lalo na pagka nagbuntis na siya.
Gabby proud sa kaseksihan ni KC
Marami talaga ang na-TL, meaning “tumulo ang laway” sa ipinost na picture ni KC Concepcion na naka-swimsuit habang siya ay nagbabakasyon sa Boracay.
Isa naman sa mabilis na nag-like sa nasabing picture ang tatay niyang si Gabby Concepcion. Aba natural lang naman sa isang tatay na magmalaki kung may anak siyang ganoon ka-sexy talaga, at saka nasa tamang edad na rin naman si KC.
Ang sinasabi pa nga ni Gabby, “hindi mo iintindihing masyado iyan dahil napaka-responsableng bata ni KC. Marunong sa buhay iyan. Alam niya kung ano ang mabuti at hindi sa kanya.”
Pero ang comments nga nila, kahit na sexy ang dating, hindi naman bastusin si KC. Hindi kagaya ng iba na hindi man ganoon ka-sexy ang ipinakikita, nababastos na.
Aktor may ebidensiya ang kaberdehan ng dugo
Tawa nang tawa ang isang editor at ipinadala pa sa amin ang video ng isang male star, na sa kilos sa pribadong video na iyon, walang dudang berde nga ang dugo. Sabi pa niya, kawawa naman daw ang isang female star, dahil matapos makakawala sa isang loveteam ng isang pinagdududahang gay, babagsak din pala sa ganoon, at mas matindi ito dahil may ebidensiya pang video.
Sa totoo lang, dapat naman kasi pinag-iisipang mabuti ng female star na iyan kung ano ang kanyang mga pinapasukang sitwasyon. Hindi lang iyong possible ngang gay, ang status ba ng pamilya ay maipagmamalaki niya?
Hindi basta mayaman ay okay na, ang tanong lagi ay papaano nga ba yumaman?