Bilyonarya raw kasi... Mommy Divine at Daddy Delfin gusto lang gwardyahan ang datung ni Sarah
Hindi naman siguro masasabing ang talagang dahilan ng kaguluhan sa pagitan ng mga magulang ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay may kinalaman sa pera. Sinasabi nga ng marami, maganda naman ang kabuhayan ng pamilya ni Matteo. Pero parang napakahirap ikaila na bago ang kanilang kasal, may estimate na net worth si Sarah Geronimo na mula 502 milyong piso, hanggang 3.82 bilyong piso. Hindi milyonaryo si Sarah, bilyonaryo siya.
Lumalabas sa records ng BIR na simula pa noong 2009 hanggang noong 2015, isa si Sarah sa may pinakamataas na binabayarang tax sa gobyerno. Natigil ang paglabas ng listahan noong 2016 nang ipatupad na ang Data Privacy Law, na naglagay sa tax records bilang confidential.
May lumulutang na issue na ang gusto raw ng mga magulang ni Sarah na magkaroon muna ng pre-nuptial agreement, ibig sabihin ang lahat ng kinitang pera at ari-arian ni Sarah bago ang kasal ay mananatiling kanya lamang at hindi masasama sa conjugal property nila ni Matteo. Pero mukhang walang ganoong dokumento, ibig sabihin kung ano man mayroon si Sarah, kay Matteo na rin iyon pagkatapos ng kanilang kasal.
Hindi mo naman masasabing maaabot ni Sarah ang ganoong tagumpay kung hindi rin dahil sa diskarte ng kanyang mga magulang. Kasi noong nagsisimula pa lamang si Sarah, sila rin ang dumidiskarte kung ano ang gagawin sa kanyang career. Sila rin ang dumidiskarte sa kung ano man ang makuhang trabaho ng kanyang mga manager. Ibig sabihin kasama rin naman sila sa hirap.
Wala namang sinabi ang magulang ni Sarah na ang kanyang mga ari-arian ay ilalagay na sa kanilang pangalan. Siguro ang hinahabol lang nila ay mabigyan ng proteksiyon kung ano man ang naipundar na ni Sarah para sa kanyang sarili bago siya nagkaroon ng asawa.
Ivana bumida sa kanta
Noong nakaraang taon pa namin narinig ang kantang Dalaga, na naging viral at dina-download ng marami. Maririnig mo ‘yan sa playlist ng lahat halos ng mga kabataan. Ang kanta ay tungkol sa tamang paraan ng panliligaw sa isang dalaga, at iyan ay ginawa ng grupong ang tawag sa sarili nila ay Almost.
Mayroon pang isang nakatawag ng aming pansin, tungkol naman iyon sa isang napakagandang babae.
In fact, matagal na raw tapos ang kanta, pero nang sumikat nga sa internet iyong si Ivana Alawi, may mga binago silang lyrics ng kanta at ang title ay ginawa nilang Ivana.
Aminado ang members ng Soulstice na crush nilang lahat si Ivana.
Ang kanta ay naging top hit sa Spotify.
Iisa pala ang manager ng dalawang grupong iyan, ang musician at rapper ding si Peso Mercado.
Marami pa silang mga plano para sa grupo, at ngayong kaisa na sila ng Viva Music, inaasahan nilang mas magiging maganda ang takbo ng kanilang recording career.
Sulutan...
Isa naman itong kuwento ng “sulutan”. Matindi raw ang interest ng isang talent manager na masulot ang talent ng isang mas malaking talent manager, dahil alam niyang kung masusulot niya iyon “picking apples” na lang siya.
Hindi kagaya ng mga talent na hawak niya ngayon na wala namang sumikat talaga. Papaano namang sisikat ang talents niya eh wala naman siyang alam kung di manulot at gumawa ng tsismis.
In fact, marami na ang sukang-suka sa masama niyang ugali.
Basta nasisita siya, dinadaan na lang niya sa iyak, pero matindi iyan sa intriga.
- Latest