Kaloka na talaga ang reaction sa role na Lily ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano. Sobra na kasi sa dark ang character niya na sabi ko nga may bago na siyang image, ang babaeng Eddie Garcia. Pero ayaw ni Lorna ng character na walang redeeming value sa ending o walang valid reason para maging salbahe.
Ayaw niyang maniwala na meron ganung tao sa totoong buhay, kaya pinipilit niya na dapat may reason ang pagiging masama ni Lily. Paliwanag sa kanya, iyon na talaga si Lily, isinilang na masama, mamamatay na masama.
Kaloka, kaya after ng Ang Probinsyano, pahinga muna siya, pagpag ang immersion niya sa role na Lily at wish niya, balik-inaapi at mabait na ang kanyang role sa susunod niyang teleserye. Hahaha!
Ganun pala iyon, ‘pag artista ka, kahit arte lang, ayaw mo pa rin iyon all out dark character. At ito, shocked si Mario Bautista dun sa sinabi ni Renz na ipagigiba ni Lorna ang marital house nila ni Rudy Fernandez.
Ang inaalala ni Mario, paano na raw iyon memories ng family home na iyon.
Pero sabi nga ni Lorna, ang memories ay hindi mabubura sa puso at utak, nandun iyon habang buhay at kahit saan ka mapunta.
At ito, iyong green card sana niya na medical na lang ang kulang, tinanggihan ni Lorna dahil sa tuwing pupunta siya sa US, naalala niya ang medical situation ni Rudy. Alam niya na mas gugustuhin ni Rudy na sama-sama sila sa isang lugar ng mga anak na sina Rap at Renz kaya tatlong town house ang ipapalit sa kanilang gigibaing bahay sa White Plains. Parang isang compound na silang tatlong miyembro ng pamilya ang nakatira.
Alam niya na ito ang mas gusto ni Rudy kaya iyon ang ginawa niya.
At sabi nga ng architect/engineer niya, mas magandang bagong buong bahay ang gawin para maayos ang mga lumang electrical wiring at water lines ng bahay. Kaya tuwang-tuwa siya na malaki ang ambag ng Beautederm ni Rhea Tan sa ipinapagawa niyang bahay, hahaha.
Domestic tourism, mas bobongga na!
Naku ha, may third invitation tayo sa Korea galing kay Lynette Baldivino na nagtatanong na kung kailan ang biyahe natin pa-Seoul.
Sabi ko, wah muna dahil may COVID-19.
Totoo nga iyong sinabi ni Sen. Cynthia Villar na makakatulong sa domestic tourism ang NCoV dahil now, ayaw mo nang lumabas at mas feeling safe ka dito sa Pilipinas.
Kaya sa Palawan na lang daw tayo pumunta Salve sabi ni Lynette.
Iyon na nga ang punto ko, na inaayos naman ng DOT Sec. Berna Romulo-Puyat, na ibaba ang cost ng airfare, magkaroon ng group of hotels na magbibigay ng murang presyo para sa package tours. Iyon talaga kailangan natin, mga package na mai-enjoy ng mga kababayan natin na alam na may safe silang matitirhan sa mga lugar na pupuntahan nila.
Naku pag natupad iyan, para na rin sa Japan at Korea na mga kasabay mo sa biyahe ay taga-roon din na first time narating iyon mga lugar na pasyalan.
Sarap siguro hindi ba, mga kababayan natin sa iba’t ibang probinsiya ang mami-meet mo sa paglilibot mo sa Pilipinas.
Tayo dapat nag i enjoy sa sarili nating bayan, tayo dapat alam natin kung gaano kaganda ang Pilipinas.