^

PSN Showbiz

Catriona big hit sa Milan Fashion week

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Catriona big hit sa Milan Fashion week

Napanood namin ang video na pinost ni Dr. Vicki Belo kung saan, pinagkaguluhan si Catriona Gray sa Prada Show sa Milan Fashion Week. Swak ang caption ni Dr. Vicki na “So proud of @catriona_gray causing a commotion among the paparazzi in front of the #prada show.”

Grabe ang pagkakagulo ng maraming tao at isinisigaw ang pangalan ni Catriona. May nari­nig pa kaming namaos sa kasisigaw sa pangalan ni Catriona at ang maraming smart phones na nakataas at naka-ready para makunan ng picture si Catriona at marami sa kanila ay babae.

Sabi ni Dr. Vicki, proud siya na pinagkaguluhan si Catriona na parang Hollywood actress. May sumisigaw pa ng “I love you.”

Sa kanyang Instagram (IG), pinasalamatan ni Catriona si Dr. Vicki sa pagdala sa kanya sa Italy at kasama pa ang mom niya.

“Thank you especially to @victoria_belo for making this trip an unforgettable first time in Italy with my mumma bear.”

Endorser na rin si Catriona ng Belo, kaya i-expect natin any day now ang pagtaas ng kanyang Belo billboard sa kahabaan ng EDSA.

Coco inagawan na ng trono si Robin?!

Tanong ng netizens ay kung napanood na ni Robin Padilla ang plugging ng ABS-CBN kay Coco Martin na sa simula at sa ending ng plug, ipinakilala si Coco bilang

“Ang Hari ng Pelikulang Telebisyon” at “Hari ng Pelikulang Pilipino” at sa ending ng plugging, ipinakilala siyang “Ang Nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon.”

Kasama rin sa plugging ang maraming endorsements ni Coco, pinagkakatiwalaan ng buong bayan at minamahal ng mga tao sa buong mundo. Sinabi rin na tuloy ang pagpoprodyus ng teleserye at pelikula.

Ang caption ni Coco sa plugging na ito ng ABS-CBN ay “Maraming salamat po sa patuloy na paniniwala at pagtitiwala. Mahal na mahal ko po kayong lahat.”

Pinost din ni Coco ang statement ng ABS-CBN sa naganap na Senate Hearing sa franchise ng network. Isinama na rin nitong pinost ang paghingi ng apology ni ABS-CBN President and CEO Carlo L. Katigbak kay President Rodrigo Duterte.

Pinky suportado ang relasyon ni Mylene sa kapatid

Mahusay talagang artista si Mylene Dizon dahil sa napanood naming mga eksena niya sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Bilangin ang Bituin sa La­ngit, kuhang-kuha niya ang acting ng isang dalaga na in-love at pati pagbitaw ng dialogue, ibinagay niya sa edad ng karakter niya sa series na early 20’s siguro.

Anyway, sa pagbisita namin sa Instagram (IG) account ni Mylene, nakita namin

ang post niya ng photo nila ng boyfriend niyang si Jason Webb habang sila’y nagde-date. Kinilig ang friends ng dalawa at sa isa pang photo na kasama nila ang mga anak ni Mylene at ilang kaibigan.

Isa sa nag-comment ay si Pinky Webb, kapatid ni Jason at tinawag na sexy si Mylene. 

Matteo balik-trabaho na rin

Kung si Sarah Geronimo ay back to work na after ng wedding nila ni Matteo Guidicelli, balik trabaho na rin ang mister niya. Nag-first acting workshop na si Matteo para sa Viva Films movie na Penduko, kahapon.

Nasa acting workshop si director Jason Paul Laxamana, Empoy at Nicole Omillo na leading lady ni Matteo.

Bagong gupit si Matteo sa litrato na kahapon lang kuha. Ang napansin lang ng mga nakakita sa litrato, nakangiti man si Matteo, tila may lungkot sa kanyang mga mata at dahil siguro sa mga nangyari sa kasal nila ni Sarah.

Nauna na palang nag-traning ng arnis at martial arts si Matteo, kaya anyday now, and after the workshop, magsisimula na silang mag-shooting ng Penduko.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with