^

PSN Showbiz

Sarah at Matteo may super private wedding celebration para sa mga kaibigan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Matteo may super private wedding celebration para sa mga kaibigan!
Sarah at Matteo

Kahapon ay bumalik na sa taping si Sarah Geronimo sa The Voice Teens at kuwento ng ilang napagtanungan namin, kantiyaw daw ang inabot ni Mrs. Guidicelli kina Lea Salonga at Luis Manzano. Pero ang saya raw nila sa taping at masaya silang lahat para sa bagong kasal.

Kaya dedma na lang siguro sa kanegahan, kahit kahapon din ay dumulog pala itong bodyguard ni Sarah sa programa ni Raffy Tulfo.

Magdedemanda nga ba si Jerry Tamara kay Matteo?

Kung gagawin niya iyon, mabuti na rin siguro para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Puwede naman kasing ma-check sa CCTV ng Shangri-la BGC kung meron nga bang suntukang nangyari.

At sa masaya namang dagdag na tsika tungkol sa bagong kasal, napag-alamang meron palang naka-schedule na selebrasyon na kung saan doon na dadalo ang mga kaibigang malapit sa mag-asawa.

Ayon pa sa nasagap naming kuwento, napaka-private daw ang selebrasyon na kahit ang suppliers ay may pinirmahang non-disclosure agreement para hindi lumabas ang buong detalye.

Meron pa nga raw color motif, kaya nagpapagawa na raw ang ibang imbitado ng damit para sa selebrasyong ito.

Nagpaalam na raw ang ibang artista sa taping nila para makadalo lang sa masayang selebrasyong ito nina Matteo at Sarah.

Sana nga walang makapasok na gatecrasher para hindi na magulo ang masayang moment na ito sa bagong kasal.

Dalawang young actress na bida sa sikat na serye, nag-aaway sa isang lalaki!

Malakas ang drama series na pinagbidahan ng mga batang artista.

Bagets pa sila, pero merong love interest para dagdag kilig sa kuwento.

Kamakailan lang meron palang guesting ang grupo ng mga bidang batang ito sa isang weekly show, at napansin namin kamakailan lang, may kulang.

Ang nakalkal namin, si young actress A ay umalis sa taping nang nakita niya ang co-star na si young actress B.

Dun lang nagkabukingan na meron palang gap ang dalawang young actress na ito.

Ang dahilan, ang young actor na leading man ni young actress A.

Kasi naman nalaman daw ni young actress A na nagkakamabutihan na ang leading man niya at ang co-star na si young actress B.

Kamakailan lang napanood namin ang episode ng guesting nila at kapansin-pansin ang absence ni young actress A.

Ang sabi ng napagtanungan namin, masama raw ang pakiramdam ni young actress A at hindi siya nakatagal sa taping. Kaya umalis na ito.

Pero nagdududa na ang production staff dahil hindi nagbabatian ang dalawang young actress.

Kasi naman nung araw na iyun may touching message na ipinost si young actor para kay young actress B na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Kahit sa IG account ni young actress B ang dami niyang birthday greetings mula sa mga co star. Napansin kong hindi bumati roon sa IG post si young actress A.

Kaya sana maayos silang dalawa bago lumaki pa ito. Hindi kasi magandang tingnan na sa bata nilang iyun ay lalaki ang isyu nilang dalawa.

Sana bantayan pa sila mabuti ng mga magulang o guardian, at pati na rin ang production staff dahil ang ba­ba­ta pa nila para masangkot sa isyung agawan ng lalaki.

All-Out… pumalo ang rating

Ang saya rin ng mga taga-All-Out Sundays dahil ang taas ng rating nila nung nakaraang Linggo.

Isa sa masaya nilang segment ay ang birthday celebration nila kay Aicelle Santos.

Ayon sa AGB NUTAM, naka-5.8 percent ang AOS.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with