Charo waging best supporting actress

MANILA, Philippines — Ang ABS-CBN at DZMM Radyo Patrol 630 ang hiranging na TV Station of the Year at Radio Station of the Year sa ika-apat na sunod na taon sa 2019 Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Awards.

Nag-uwi sila ng kabuuang 23 na parangal, kabilang ang Best TV Series (The General’s Daughter), Best TV Program-Drama/Investigative/Reality (Maalaala Mo Kaya), at Best TV Program-Entertainment/Variety (ASAP Natin ‘To).

Nanguna naman si Angel Locsin sa listahan ng mga nagwaging Kapamilya stars sa kanyang pagtanggap ng Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon award.

Kinilala rin sina Vice Ganda (Best TV Program Host-Entertainment/Variety for It’s Showtime), Dimples Romana (Best Actress for a TV Series for Kadenang Ginto), Jhong Hilario (Best Actor for a Single Performance in Ipaglaban Mo), Joanna Ampil (Best Actress for a Single Performance in MMK), Kit Thompson (Best Performance in a Supporting Role for Mea Culpa: Sino Ang May Sala), at Andrea Brillantes (Best Performance in a Supporting Role for Kadenang Ginto).

Sa larangan ng pelikula, tinanghal naman ang Star Cinema bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Pelikula.

Dalawa naman ang natanggap na parangal ng Hello, Love, Goodbye na kinilalang Best Mainstream Film, habang Best Mainstream Director naman si Cathy Garcia-Molina.

Nagwagi namang Best Supporting Actress si Charo Santos-Concio para sa kanyang natatanging pagganap sa hit horror movie na Eerie.

Samantala, wagi rin ang Cinema One Originals sa kategoryang Natatanging Pelikulang Pangkasarian (Sila Sila), Best Indie Film (Metamorphosis), at Best Indie Film Director para kay Jose Enrique Tiglao (Metamorphosis).

Cable channel ang Cinema One ng Creative Programs Inc. ng ABS-CBN.

Kumumpleto sa mga nagwagi mula sa Kapamilya network ang MOR 101.9 (Best FM Radio Station), si DJ Popoy (Best Male Radio DJ), DZMM anchor Maresciel Yao para sa Usapang de Campanilla” (Best Female Radio Broadcaster-Public Service), at si ABS-CBN News icon Gus Abelgas (Best TV Program Host-Drama/Investigative/Reality).

Show comments