^

PSN Showbiz

Pero hindi raw isasara, Kapamilya nagpasalamat na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pero hindi raw isasara, Kapamilya nagpasalamat na!
ABS-CBN
Boy Santos

Maraming nalungkot nang magpasalamat na ang ABS-CBN.

Ano na raw ba talagang mangyayari? Magsasara ba sila?

The other night nga kasi ay naglabas ng pasasalamat ang Kapamilya Network sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila na ang dating sa mga nakabasa ay namamaalam na sila.

“Sa ngalan ng lahat ng empleyado ng ABS-CBN, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagpaparating ng suporta para sa amin.

“Nagbibigay po sa amin ng inspirasyon at tibay ng loob ang mga pahayag ng suporta mula sa mga opisyal ng gobyerno, kapwa-taga media mula sa Pilipinas at ibang bansa, iba’t ibang organisasyon ng industriya, akademya, simbahan, artista, mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, kaibigan, fans, at mga manonood.

“Maraming salamat sa inyong pagkilala sa aming serbisyo para sa milyon-milyong Pilipino sa buong mundo. Lalo naming pagsisikapang makapaghatid ng balita, kasiyahan, at serbisyo-publiko sa sambayanan.

“Salamat din po sa inyong tiwala na ang ABS-CBN ay naglilingkod nang tapat, may integridad at hindi lumalabag sa batas.

“Dinarasal po namin na magkakaroon na ng pagkakaunawaan ang lahat tungkol sa usaping ito.

“Isang malaking karangalan po para sa ABS-CBN ang makapagserbisyo at maging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino.

“Muli, maraming maraming salamat po,” ang buong statement ng pasasalamat ng pamunuan ng Channel 2 na natanggap namin at kumalat sa social media.

Sinabi naman kahapon ni Cong. Alan Peter Cayetano na abala pa sila para isingit sa kanilang sesyon ang franchise renewal ng Kapamilya Network lalo pa nga’t kahit wala naman daw itong franchise ay makakapag-operate ang network until 2022. “Bakit sinasabi kong hindi urgent? Don’t get me wrong, napaka-importante ng franchise ng ABS-CBN, hindi lang sa 11,000 empleyado pero hanggang March 2022 ay pwede silang mag-operate eh,” sabi ng Speaker of the House of Representatives sa mga nag-interview na reporter sa ginanap na mass wedding kahapon.

“Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman mago-off the air ang inyong mga paboritong show. Pero sa ngayon, napakaraming importanteng inaasikaso ng Kongreso,” dagdag pa ng kongresista,

Nauna na ngang sinabi ng lawmakers na makakapag-operate ang network sa pamamagitan ng provisional permit from NTC.

So ayun naman pala. At least mabubunutan ng tinik ang mga nagluluksa na dahil ang buong akala nila ay hindi na nilala mapapanood ang mga favorite shows nila sa ABS-CBN.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with