^

PSN Showbiz

Oscars best director, very vocal sa pag-idolo sa nasirang si Lino Brocka

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Oscars best director, very vocal sa pag-idolo sa nasirang si Lino Brocka

Gusto ko talaga iyong pagbanggit ng best director ng Oscars na si Bong Joon Ho na favorite at inspiration niya si Lino Brocka. Isang malaking karangalan para sa ating mga Pilipino na ang nagwaging Asian director ay naging idol ang mahusay nating kababayang direktor na si Lino Brocka.

Lahat daw ng movies na ginawa ni Lino pinanood ni direk Bong, so ibig sabihin napanood din niya mga artistang sila Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez na lumabas sa mga obra ni Direk Lino.

Bonggang feeling na acknowledged ka ng isang winner, na isa ka sa naging guide niya sa tagumpay.

Lalo ko tuloy minahal ang mga Korean dahil dito, tunay ngang parang may tie that binds ang mga Filipino at Koreans.

Hay naku, sure ako, one day may kababayan din tayong aakyat sa stage ng Oscars para tumanggap ng award.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa, fighting!

‘Problema ng iba‘ di mo dapat pinoproblema’

Aside from ‘time cutting,’ isa pang na-discover ko na pang-alis ng stress ay dapat detach ka sa mga nangyayaring intriga around you. Dati kasi, pag meron problema ang isang tao na close sa akin, pati ako ay upset.

Now, tinanggap ko na ang problema usually nasi-settle on each own by the universe, hindi na kailangan maging emotionally drained dahil hindi mo naman problema. Ngayon pa na ang short na ng life, ang bilis ng panahon, parang waste ng energy to dwell on problems na hindi naman dapat nagiging problema. Make life worth living, enjoy it while it lasts, don’t allow things na hindi ka naman dapat maapektuhan, na maapektuhan ka. Iyong problema nila, hayaan mong maayos nila, kundi nila maayos, keber mo.

Cristine endorser na ng Kamiseta Skin

Tuwang-tuwa si Cris Roque ng Kamiseta Apparel and Skin dahil endorser na pala ng Kamiseta Skin si Cristine Reyes.

Totoo naman, noon pa ay maganda na ang kutis ni Cristine at kahit pa nga nanganak na ay mukhang dalaga pa rin.

Nakakatuwa nga na ang daming nagsasabi na ang husay at galing ng mga doktor ng Kamiseta Skin na dalawa na ang branch at pinag-uusapan lagi ang interior na gawa ni Leo Espinosa na siyang stylist ng lahat ng Kamiseta stores at clinic.

At ito, bongga ang secretary ni Cris Roque na si Gigi na very competent sa trabaho kaya naman siguro dagdag value siya kaya matagumpay ang mga negos­yo ni Cris.

Si Addet din na ibang negosyo naman ang pinamamahalaan tulad ng M&Co at Vanilla Pastries plus Kamiseta Hotel ay very competent din.

Isa talaga sa secret ng mahusay na kumpanya ang mga competent secretary na nasa frontline ng kanilang mga boss, kaya sila agad ang mami-meet mo.

Welcome sa Kamiseta Skin Cristine Reyes, sure ako na lalo ka pang gaganda, promise.

LINO BROCKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with