^

PSN Showbiz

Nakalimutan ang network war Dingdong kumampi sa franchise renewal ng Kapamilya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nakalimutan ang network war Dingdong kumampi sa franchise renewal ng Kapamilya

Vice bumuwelta sa isyung utang na tax ng Kapamilya

Mas may dating pa ang statement ng Kapuso primetime king Dingdong Dantes sa pinag-uusapang #NoToABSCBNShutdown. “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos,” tweet niya kahapon na humamig ng libo-libong retweet, likes and puso sa kanyang followers.

“In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses.

“I pray too that the government, thru Congress, will hear out its constituents. After all, Congress is supposed to represent our “voice.” #NoToABSCBNShutDown,” dagdag pang tweet ng bida sa local adaptation ng Descendants of the Sun na kakaumpisa pa lang mapanood sa GMA 7.

True blooded Kapuso si Dingdong pero ilang pelikula na rin ang nagawa niya sa film arm ng controversial network.

Anyway, dasal na ang pinantatapat ng ABS-CBN sa kasalukuyang pinagdaraanan nila. “We lean on You as our refuge and strength, our ever present help during these challenging times.

“We ask You Lord in behalf of all of us that you have given the privilege to work here at ABS-CBN to make a way dear God that we would be granted the renewal of our franchise.

“We know that all things come from You. Give us the chance to continue working for ABS-CBN to provide for our families and be of service to Filipinos all over the world,” bahagi ng kanilang prayer brigade na bukod sa quo warranto ay mas mainit na pinag-uusapan ang franchise renewal na hanggang end of next month na lang.

Si Vice Ganda na kilalang supporter ni Pres. Digong ay pinaliliwanag lang na walang utang ang ABS-CBN pero very safe ang mga tweet niya.

“Ang quo warranto petition po ng SolGen vs ABS-CBN ay walang kinalaman sa tax. May tax clearance ang Kapamilya Network. Kaya tantanan nyo na yung chika nyo na ‘Magbayad kasi kayo ng tax!” tweet ng komedyante.

Nauna na ngang sinabi ng ABS-CBN na nakakuha sila ng Tax Clearance Certificate for 2019 kaya wala silang utang. “Kung napaniwala kayo sa mga chikang may pagkakautang ang ABS-CBN sa BIR e nagoyo kayo ng mga TROLL,” sabi pa ni Vice na handa na ang programang papalit sa Gandang Gabi Vice, ang Everybody Sing.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with