^

PSN Showbiz

KathNiel, pupuntang Amerika para sa bagong pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, pupuntang Amerika para sa bagong pelikula

Muling magtatambal sa pelikulang After Forever ng Star Cinema sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Masayang-masaya ang aktres dahil makakatrabahong muli ang direktor na si Cathy Garcia-Molina sa bagong proyekto.

“We are very, very excited. Nung 2019 wala kasi kaming ginawa ni DJ kahit soap or movie. Kinailangan namin pareho ‘yung break na ‘yon. Ngayon finally babalik na kami sa big screen with direk Cathy again. Ibang expe­rience na naman ito,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Matatandaang sa The Hows of Us pa noong 2018 huling nakatrabaho ng KathNiel si direk Cathy. Sa Hello, Love, Goodbye naman noong isang taon lamang huling nakatrabaho ni Kathryn ang direktor kasama si Alden Richards.

Nakahanda na raw muling makatrabaho ni Daniel si direk Cathy ngayon. “Okay naman, handa naman kami na pahirapan. Alam naman naming tatrabahuhin namin ito. ‘Yung tiwala namin na kay direk Cathy naman. So lahat ng maibibigay, ibibigay natin,” paglalahad ni Daniel.

Sa Amerika pa kukunan ang karamihan sa eksena ng bagong pelikula. Ayon kay direk Cathy ay nakadalawang punta na siya sa San Francisco upang paghandaan ang gagawing proyekto. “Namili kami ng ibang countries pero sa San Francisco ‘yung nag-fit sa kuwento namin. Nagkataon si Daniel, mahal niya ‘yung San Francisco. Kami din, we found the beauty in it when we went there. Nakadalawang punta na po kami. Una with Carmi (Raymundo) to do research and then pangalawa po, nag-ocular ako. “Pagbalik namin, kasama na namin sila for shoot. Obviously love story siya,” pagbabahagi ni direk Cathy.

Ruffa may payo sa mga babaeng niloloko/kinakaliwa ng asawa

Naranasan na ni Ruffa Gutierrez noon na mahuli ang karelasyon na mayroong ibang babae. Hindi raw kinausap ng aktres ang babae at sa halip ay ang karelasyon noon ang kinumpronta. “Alam mo mahilig ako sa hanger eh. Hinabol ko ng hanger ‘yung lalaki. I won’t waste my wrinkles on the girl ‘no. Bahala siya, alam kong mas maganda ako at mas may saysay ako sa kanya. Lumabas ang pagka-Annabelle Rama ko,” natatawang kuwento ni Ruffa.

Nagbigay ng payo ang aktres para sa lahat ng mga kababaihan na nakararanas ng pangangaliwa ng asawa o kasintahan. “Kailangan i-assess mo ‘yung situation kung mahal mo ba ang lalaki, kung boyfriend mo ba siya o asawa na. Kung boyfriend lang, goodbye na kung goodbye, palitan mo. Maraming mga lalaki sa mundo, diba? Kung asawa mo, kailangang pag-isipan mo dahil may mga anak kayo. It’s a more difficult situation,” makahulugang pahayag ng aktres.

Samantala, kabilang si Ruffa sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim. Nagsimula na noong Lunes sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang naturang serye. “Masasabi ko talagang as a viewer, talagang aabangan mo talaga. Exciting kasi very campy ‘yung mga dialogues,” pagtatapos niya.(Reports from JCC)

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with