^

PSN Showbiz

Sharon nakiusap na ‘wag pakialaman ang problema nila ni KC

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon nakiusap na �wag pakialaman ang problema nila ni KC

Ilang taon nang aktibo sa social media si Sharon Cuneta. Maraming beses na ring nakaranas ng online bashing ang Megastar mula sa netizens. Naiintindihan na raw ngayon ni Sharon kung bakit laganap ang bashers kaya hindi na niya ito masyadong iniisip. “‘Yung mga bashers, hindi naman maiwasan ‘yon. That’s part of the whole package. But I have learned to manage my emotions well when it comes to them.

“Actually dumating sa point na halos wala ka ng emosyon. I learned from my early years on Twitter kasi I couldn’t stand ‘yung parang walang respeto. Hindi ako lumaking gano’n eh. Tapos ‘yung generation natin ‘pag may confrontation, confrontation, mag-usap tayo para maayos. Ngayon they’re matapang kasi they’re anonymous. So hindi ako sanay no’ng Twitter, para akong nanay na pinapalo ‘yung mga anak. After a while I figured, ‘Oh my God, I don’t know these people. Why am I entertaining this idea of responding?’ So I just stopped altogether and then later on ‘pag merong basher bina-block ko na lang. Meron lang talagang sobrang sakit at bastos magsalita na you have to try to wonder, not claim to know, but wonder why,” nakangiting paglalahad ni Sharon.

Kamakailan ay umani ng pambabatikos mula sa netizens ang aktres at ang panganay na anak na si KC Concepcion dahil sa hindi nito pagdalo sa birthday celebration ng ina sa ASAP Natin ‘To. “I understand them pero ang pakiusap ko lang, huwag nilang pakialaman ‘yung hindi naman nila alam ang puno’t dulo, kung gaano katagal na, kung ano ang pinag-umpisahan. Kasi pati ako minsan hindi ko alam buti pa sila alam nila. Sa dami ng nangyayaring gulo sa mundo ngayon, sa dami ng problema, pati ba naman ‘yon poproblemahin pa natin? So ‘yun lang, wish ko sana instead of mga patutsada at ganyan, dasal na lang para maayos lahat. Hindi sila nakakatulong eh,” makahulugang pahayag ng Megastar.

Loisa tatay minsan ang turing kay Ronnie

Mahigit tatlong taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Marami na ring pinagdaanang pagsubok ang relasyon ng dalawa pero wala naman daw naramdamang pagsisisi ang aktres na si Ronnie ang naging nobyo niya. “Kasi si Ronnie din talaga ‘yung tumulong sa akin. Siya ‘yung kumbaga bumuo sa akin. Siya ‘yung naging tatay ko rin, ‘yung parang tagapayo ko. Kasi wala akong tatay na kasama sa bahay, wala akong tatay na guma­gabay. Wala akong tatay na nagsasabi sa akin. Siya ‘yung gano’n sa akin,” paliwanag ni Loisa.

Aminado naman si Ronnie na mayroong mga pagkakataon na gusto na niyang sumuko at makipaghiwalay na lamang sa aktres kapag naka­raranas ng matinding problema ang magkasintahan. “Maraming beses na akong gustong sumuko pero naisip ko hindi ko pala talaga kayang wala siya. Kung hindi dahil sa pagsubok, hindi kami tatagal. Hindi kami magiging malakas. Kaya sabi ko sa kanya simula pa lang ito. Marami pa kaming pagdadaanan,” pagtatapat ni Ronnie.

Malaking bagay din para sa aktor na nagkakasama sila ni Loisa sa mga proyektong ginagawa. Sa susunod na Miyerkules ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang James & Pat & Dave na pinagtambalan ng dalawa kasama si Donny Pangilinan. “Nakakatulong din sa trabaho, iba ‘yung sigla mo, iba ‘yung aura mo kapag inspired ka. May inspirasyon ka,” giit ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with