^

PSN Showbiz

Negosyante sising-sisi na tinanggihan noon ang aktres na very lovely pa rin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Negosyante sising-sisi na tinanggihan noon ang aktres na very lovely pa rin
Sharon

Throwback ang kuwentong ito tungkol sa isang pamosong female perso­nality. Hindi siya nakilala nang mabilisan. Marami muna siyang pinag­daanan hanggang sa dumating na ang pinakamalaking break para sa pinapangarap niyang pagsikat.

Sa kanyang linya ay siya ang pinaka-star, napakaganda kasi ng female personality na ito, seksing-sexy rin siya nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad.

Pag-alala ng isa naming source, “Bago dumating ‘yun, e, para siyang karneng inilalako ng mga kasama niya. Inirereto siya sa mayayaman, sa mga unipormadong kalalakihan, kung saan siya kikita, ganu’n!

“Minsan, pinuntahan ng matchmaker niya ang isang mayamang businessman. Ipinakilala siya sa negosyante. Gandang-ganda sa kanya ‘yung businessman, pero may napansin sa kanya.

“Hindi kasi kakinisan nu’n ang girl, marami pang mantsa sa katawan, meron din siyang malalaking peklat sa binti. Napakaganda niya pero may problema sa balat niya.

“Heto na. After a few months, ini-launch na nga ang female personality sa isang sexy movie, pumatok ‘yun sa takilya, as in, pinilahan talaga ng mga kalalakihan ang movie niya!

“Biglang naalala nu’ng businessman na minsan, e, dinala na ng isang Boogie Wonderland ang girl sa kanya! Nabaligtad ang sitwasyon!

“Kinontak niya ang matchmaker, hinanap niya talaga ang nagdala sa kanya, gusto niyang makasama ang sexy actress nang kahit ilang oras lang!

“Pero nabigo ang negosyante, may iba na palang nag-aalaga sa girl, saka meron na siyang karelasyong male personality. Hindi na pala inilalako ang girl dahil sikat na nga siya!

“Halos iumpog nu’ng businessman ang ulo niya dahil sa nangyari. Nasa harapan na niya ang girl, ‘yun na ‘yun, pero pinakawalan pa niya!

“Nang dahil lang sa mga peklat sa binti, na­ging choosy siya, hindi pa niya pinalampas na lang ‘yun dahil puwede namang pakinisin ang girl sa mga derma clinic!

“Kapag napapanood ng businessman ang girl sa mga pelikula niyang puro pasok sa banga sa takilya, kapag nakikita niya sa TV ang girl na nagsasayaw nang sobrang sexy, talagang parang gusto na niyang iuntog ang ulo niya sa pader!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Maraming nakarelasyong artista ang babaeng personalidad, tumaba na rin siya ngayon, pero wala pa ring kupas ang kanyang kagandahan.

Pahabol pa ng ­aming impormante, “Isa siya sa pinakamagandang mukha sa showbiz. Walang retoke, natural na natural ang ganda niya, very lovely talaga siya, sa totoo lang!”

Ubos!

Blind item ni Sharon kilala na!

May mga kaibigan kaming matagal nang naninirahan sa iba-ibang bansa ang inabala ni Sharon Cuneta ang pananahimik. Parang naging national issue ang kanyang rebelasyon na niloko siya sa pananalapi ng isang taong napakalapit sa kanyang puso.

Hindi raw niya kaibigan ang nanloko sa kanya, hindi rin niya katrabaho, itinuring na raw niyang hindi iba sa kanya ang taong ‘yun na minahal niya at pinrotektahan. Ang dami-dami tuloy lumutang na mga pangalan tungkol sa bitbit na kalungkutan ng Megastar.

May nagbanggit ng isang mag-asawang malapit sa kanya, kamag-anak ng kanyang pamilya ang mga ito, sila raw kaya ang tinutukoy ni Sharon na nanloko sa kanya?

Sabi naman ng isang kaibigan naming matagal nang nagtatrabaho sa Amerika, “Hindi kaya ang tinutukoy niya, e, ‘yung tita niya na parang second mom na ang turing niya?

“Pero hindi puwedeng maging ‘yun, e! Mayaman ang family ng tita niya, hindi ‘yun mangloloko sa pera!” bigay-bawi nitong komento.

Isang kaibigan naman namin ang nagkaroon ng ideya na ang taong tinutukoy ni Sharon ay ang kamag-anak ng kanyang mister. Malapit daw sa kanya ang taong ‘yun.

Pinakamalaking blind item ngayon ang rebelasyon ni Sharon Cuneta. Ang hirap-hirap naman kasing hulaan kung sino ang kanyang tinutukoy dahil hindi man lang siya nagbigay ng mga clue!

Sa susunod sanang buhos ng emosyon ng Megastar tungkol sa taong nanloko sa kanya ay magbigay na siya ng pagkakakilanlan!

Ha! Ha! Ha! Ha!

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with