Koreans sikat na sikat na rin sa Hollywood!

Jo-In-Sung

Siguro nga, matatagalan bago mawala ang Korean fever lalo pa ngayon na pati sa Hollywood bongga na sila dahil sa pelikulang Parasite.

Imagine na iyon simpleng istorya ng dalawang pamilya pasok sa Oscars?

At imagine mo na ang BTS, pati big stars ng Hollywood fans nila. Pero aminin mo Salve ha, na sa lahat ng biyahe natin sa Korea parang wala naman akong nakita na outstanding na magaganda at pogi sa daan. Iyon mga kasing pogi nila Jo In-sung at Nam Jo-hyuk sa serye ko lang nakikita.

Ganundin iyon mga poging singer ng KPop, sa concerts lang nakikita hindi tulad ng US o Europe na pag naglakad ka nagkalat ang maganda at guwapo.

Dito nga sa Pinas mas marami pang artistahin ang hitsura.

Hay naku, totoo nga na you make your own standard of beauty, pag nahuli mo na iyon kilig, iyon na, addict ka na.

Sa case ng Koreans, heto at na-mind set na tayo, maganda, pogi at magaling.

At bongga ha, buong mundo ang hooked na sa kanila.

Agimat… ni Sen. Bong baka sa Marso na

Ang akala ko dahil maaga ang calltime ng thanksgiving lunch ni Sen. Bong Revilla sa Annabels noong Miyerkules, aabutin lang ito ng hanggang 1pm at matatapos nang maaga dahil may lagare pa si Ian Fariñas sa presscon ng Untrue, ang pelikula nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Hindi ko namalayan ang oras at kung hindi pa ako tinawagan ni Yani ng GMA Artist Center dahil may meeting kami ng 2pm, nasa Annabels pa ako ng 3 pm.

Hindi ko maiwan sina Bong at Lani Mercado na busy pa sa pakikipag-chika-chika sa reporters na naiwan.

Tuwang-tuwa ako dahil nakita ko kung gaano na-miss ni Bong ang mga showbiz writer at vice versa.

Napakahaba rin ng oras na inilaan ng entertainment press kay Bong at grateful ako dahil nakita niya how they feel about him.

At home na at home sina Bong at Lani. Thank you for the love Bong and Lani, at thank you my dear writer friends for your time.

Sabi nga natin, love begets love, mahal tayo nina Bong at Lani, kaya mahal din natin sila.

Napabalita noon na baka mapanood sa GMA-7 simula sa susunod na buwan ang Agimat ng Agila, ang comeback television project ni Bong sa Kapuso Network.

Nagkaroon ng changes sa schedule kaya posibleng sa March o April na ang airing ng Agimat ng Agila na kaabang-abang dahil pinagaganda nang husto ng lahat ng involved sa production.

Titiyakin ni Bong na magugustuhan ng lahat ang kanyang comeback show sa home studio niya.

Show comments