^

PSN Showbiz

Dingdong tinutukan ng Philippine Army

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong tinutukan ng Philippine Army
Dingdong

Todo ang suporta ng Philippine Army sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na magsisimula na sa February 10.

Kuwento ng bidang si Dingdong Dantes, mula day one raw ng ta­ping nila ay nandiyan ang grupo ng Philippine Army na nagga-guide sa kanila.

“Very overwhelming talaga,” bulalas ni Dingdong nang nakausap namin sa mediacon ng DOTS na ginanap sa Studio 7 ng GMA-7 nung isang gabi.

“Mula day one talaga, nung nakipag-usap ang GMA sa kanila, sabi nila, they’re willing to support ang give you whatever you need.

“Alam n’yo, more than sa gamit na pinapahiram sa amin, ‘yung pre­sence nila eh.

“Kahit sa set nandun sila para gabayan kami. Nagtatanong kami kung tama ba ‘tong ginagawa namin. Kasi, the last thing we want is to misrepresent them on TV.

“Yung maliliit na bagay na yun, yung maliit man…maliit man sa ibang tao, mala­king bagay sa kanila yun,” dagdag niyang pahayag.

Kaya naman kahit mahirap ang pinag­daanan nilang training, talagang kinaya nila dahil gusto nilang maramdaman at maisalarawan ang tunay na sundalo.

Napatango naman si Dingdong na kung sakaling hindi siya nakapag-artista, baka sa Philippine Armed Forces siya nagtatrabaho.

Nasa dugo naman kasi nila ang military dahil ang lolo niya, ang original na Sixto Dantes ay isang colonel at naging general nang pumanaw ito.

“Siya yung original na Sixto eh. He is a retired colonel, and nung namatay siya naging general siya. That’s how it is eh. So, dun nag-umpisa hanggang sa ibang kapatid ng tatay ko dun pumasok.

“So, growing up parang naging idol ko sila na one of these days na sabi ko magsilbi rin ako na kahit sibilyan ka o kahit may ibang profession ka, if you are a Reservist, you can also serve but as a volunteer,” saad ng Kapuso Primetime King.

Naikuwento nga sa amin ni Dingdong kung paano siya nakilala ng anak niyang si Zia bilang isang sundalo.

“Pag nagpapakita ako ng picture sa kanya, kunwari o nandun ako sa bundok…bakit ka nandun? Kasi sa Amazing Earth yun.

“So pakita ko…yung soldier. ‘Ba’t ka naka-soldier? ‘Oh that’s for a role, sabi ko, ‘pretending to be a soldier for my show.

“Eh minsan nakita niya sa bahay…ba’t naka-sundalo to? Tapos sabi niya, ‘are you preten­ding to be a soldier?

“Tapos napaisip ako…you know Zia, because I’m a Reservist. I am a volunteer. I help the real soldiers. So, yes technically, I’m a soldier. Oh! Sabi niya, you’re a Reservist…a soldier…oh I get it” napapangiting kuwento sa amin ni Dingdong.

Kaya natutuwa na rin siyang mapanood ng kanyang anak itong Descendants of the Sun na isa siyang sundalo rito.

Pero ang gusto ni Dingdong na maipahatid sa lahat na mga makakapanood ng Descendants of the Sun ay malaman ng mga manonood kung paano ibinuwis ng mga sundalo natin para maipagtanggol lang, maprotektahan ang ating bayan.

“And by giving the story like this Des­cendants of the Sun, naha-highlight yung kanilang point of view.

“Using a beautiful two love stories…na parang bukod sa kanilang dedikasyon sa bayan sa serbisyo,  nandun din yung conflict na ano yung uunahin ko? Yung pangako ko sa bandila o pag-ibig.

“Lahat tayo pagdadaanan natin yung ganung klaseng crossroads eh,” pahayag ni Dingdong.

Catriona laging tambak ang security escort!

Nakabakod talaga ng security si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang ilunsad ito kamakailan lang  bilang Arts Ambassador ng National Commission for Culture and Arts.

Si Pia Wurztbach ang dating Arts Ambassador kasama sina KZ Tandingan, at Ian Veneracion.

Ngayon ay si Catriona na, ni-renew si KZ Tandi­ngan para sa Music at nadagdag na rin si Julie Anne San Jose.

Mala-Miss Universe ang mensaheng ibinigay ni Catriona kaugnay sa ating sining at kultura.

Aniya; “I believe artists always create with intention.

 

DINGDONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with