Ang daming pangyayari kahapon. Pero pinaka-shocking ay ang helicopter crash na sinasakyan ng basketball legend na si Kobe Bryant at anak na si Gianna.
Bukod sa mag-ama, patay din sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter ang basketball teammate ni Gianna na si Alyssa at ang parents nito na sina John Altobelli (Orange Coast College (OCC) baseball coach) at misis na si Keri.
Ayon sa mga online report, magkasama sa Mamba Academy sina Gianna at Alyssa at madalas daw na sumasama ang mga magulang nito pag may game ang anak para manood.
Nagluluksa ang buong mundo sa nasabing trahedya na akala ng maraming fans nang unang mabasa sa social media ay fake news.
Maging ang ginanap na Grammys kahapon sa Staples Center, Los Angeles, California ay nabalot ng kalungkutan dahil nakalagay sa malalaking screen sa labas ng Staples ang tribute for Kobe.
Ang Grammy host na si Alicia Keys ay heart broken at matindi ang nararamdamang lungkot dahil sa nangyari sa isa sa itinuturing na sports hero.
“Here we are together on music’s biggest night, celebrating our artists that do it best but, to be honest with you were all feeling crazy sadness right now, because earlier today Los Angeles, America and the whole wide world lost a hero.
“And we’re literally standing here, heartbroken, in the house that Kobe Bryant built,” bahagi ng speech ng American singer-songwriter.
Sa nasabing sikat na Arena naglaro ng kanyang 20-season NBA career si Kobe kung saan naman nagkataong ginaganap ang Grammy nang pumutok ang nangyaring trahedya na pitong beses na palang nakarating ng Pilipinas para sa kanyang basketball clinic.
Nang una ring dumalaw ng bansa si Kobe ay sumayaw pa siya ng Tinikling habang nakabarong.
At lalong matindi ang pagluluksa ng maraming international and local stars sa ‘di inasahang pangyayari kay Kobe Bryant.
Kasama dito sina Sen. Manny Pacquiao, Lea Salonga, Aga Muhlach, Gerald Anderson at marami pang iba.
Aga : “Sad day. Still in shock. Rest In Peace.”
Lea : “Been crying all morning. It’s him plus his daughter dying that got me.”
Manny Pacquiao : “The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever! #RIPMamba”
Gerald Anderson : “Studying you everyday and watching every video i can find about you.. Reading your book over and over again to see what else i can learn from you.. Pushing myself through injuries because thats what Kobe would do.. People call me crazy because instead of resting i would be training or practicing, but i would think “what would kobe do” .. I lost a hero today and so many else have but the Mamba will always live on.. Prayers to the Bryant’s and to all the victims.. Sad day.. #mambaout Still cant believe it.”
Habang sinusulat namin ito ay punung-puno ng fans ang harap ng Staples sa Los Angeles na todo ang pagluluksa sa pagkawala ng isang legend.
Nanalo na rin ang iconic basketball star ng best animated short sa 90th Academy Awards para sa project niyang Dear Basketball na base sa kanyang poem.