Pati K pop group na Winner ay nag-Tala sa kanilang #WinnerCrossTourInManila na ginanap sa SM Mall of Asia the other night.
Winner na winner nga ang K pop group na nung umpisa ay ang main dancer lang daw na si Seunghoon ang nagta-Tala, pero later on ay nakisabay na rin ang ibang member ng Winner, ayon sa mga kumalat na video after the concert.
Maging si Sandara Park ay nag-share ng Tala photos ng nasabing concert.
Dahil sa rami ng share, nag-trending ang Tala ng Winner.
Ang nasabing number ang nagbigay ng memorable night sa fans ng Winner tour sa bansa.
Sana nga lahat ng mga K-pop group na magko-concert sa Manila ay mag-Tala at mag-viral ito sa Korea.
May Korean factor na si Sarah Geronimo dahil sa local adaptation niya ng Korean movie na Miss Granny.