Fishergays ng Navotas laladlad sa MPK

Dave

MANILA, Philippines — Ang Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot ay kuwento ng apat na binabae ng Navotas na sinubok baguhin ang pananaw ng mga tao sa mga mangingisdang namamalakaya.

Ang paniniwala kasi ng karamihan, ang mga trabahong nanga­ngailangan ng pisikal na lakas ay hindi nararapat sa mga binabae. Dahil hindi ito ang tipikal na trabahong naa-associate natin sa kanila.

Sina Michael, Walen, Rolly, and Yuri ay hinamon ang mga paniniwalang ito nang magsimula sila sa kanilang trabaho bilang mga mangingisda. Dito, dumanas ang apat ng iba’t-ibang uri ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian. Ngunit sa kabila ng mga panlalait na kanilang kinaharap, nagpursigi pa rin silang ma­ging mahusay sa larangan ng pangingisda, kumapit sa kanilang mga pangako na kailanman ay hindi susuko.

Si Michael ay nagpatuloy sa pamamalakaya at hinarap ang diskriminasyon na dinadanas niya dahil sa pangako niya sa kanyang ina na balang araw ay magtatagumpay siya sa buhay at matugunan ang pangangailangan ng kanyang ama.

Si Walen naman ay nagpapatuloy dahil sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang ganap na guro.

Habang si Rolly, nagmumula ang kanyang kala­kasan dahil sa kagustuhan niyang matanggap ng kanyang pamilya sa kung sino talaga siya--isang binabae, handang pakawalan ang kanyang makulay na buntot bilang isang sirena.

Sa kanilang lahat, ang motivation ni Yuri ang pinaka-kakaiba. Matapos kasi ang aksidente na naranasan niya habang namamalakaya, nagbago ang kanyang buhay. Dahil sa aksidente, nawala ang kanyang buhok at maging ang halos lahat ng kanyang balat sa mukha, pero hindi nawala ang kanyang pagnanais na patunayan na ang kasarian ay hindi dapat maging batayan sa anumang uri ng trabaho.

Lahat sila ay handang baguhin ang paniniwala ng lahat, basagin ang diskriminasyon, homophobia, at ang stigma sa mga trabahong panlalaki.

Mas kilalanin pa natin sila ngayong Sabado, January 25, 2020 sa nangungunang drama antho­logy sa bansa, Magpakainlaman.

At mamangha sa natatanging pagganap nina Jak Roberto, Dave Bornea, Raphael Robes at Mela Habijin.

Show comments