MANILA, Philippines — Pinasalamatan ng entertainment columnist na si Ricky Lo ang singer-actors at former sweethearts na sina Nadine Lustre at James Reid matapos nilang kumpirmahin ang balitang hiwalay na sila.
Halos buong araw nang trending sa social media ang balita ng hiwalayan ng pop icons, matapos nilang aminin ito gamit ang isang pahayag sa "Tonight With Boy Abunda," Lunes ng gabi.
"Dapat kong pasalamatan sina James Reid at Nadine Lustre sa pagkumpirma nila gamit ang joint statement na wala na sila, eksaktong dalawang linggo matapos kong isiwalat 'yon sa aking STAR column," sabi niya sa ulat ng CNN Philippines sa Inggles.
"['Y]an ay matapos itong i-deny ni Nadine nang walang pananagutan."
Una nang lumabas ang isyu sa Pep.Ph, na sinusugan ni Lo sa kanyang kolum na "JaDine breakup: A case of too much, too soon?"
Sabi pa noon ni Ricky, nag-iingat lang si James pagdating sa hiwalayan dahil sa binubunong mental illness ni Nadine, maliban sa pagbanggit sa pagkamatay ng kapatid ng aktres.
Bago ang kanilang pag-amin sa ABS-CBN, itinanggi muna ni Nadine ang mga alegasyon ni Lo sa kanyang Instagram story noon: "[W]alang totoo sa sinabi mo at hindi kailanman okey na gamitin ang mental situation/malagim na nakaraan ng tao para mag-prove ng point."
Patuloy ng kolumnista, pinili niyang maging mahinahon sa kabila ng pagtawag sa kanya ng sinungaling.
Nanindigan din siyang nagsusulat lang siya ng mga "delicate" stories gaya ng sa JaDine tuwing ibinibigay ito sa kanya ng mga mapagkakatiwalaang source at matapos mag-double check.
"Anu't ano pa man, mapa-showbiz 'yan o iba pa, honesty is the best policy. O, Nadine, ano na? 2020 na!" na isa na namang pasaring sa tirada noon ni Nadine.
Galit kay Ricky Lo muling bumuhos
Hindi naman nagustuhan ng netizens ang bagong pahayag ng entertainment writer, at patuloy na binira ang manunulat.
Ayon kay @Izzabae, mali pa rin na ginamit ni Lo ang isyu ng mental health ng aktres at pagbanggit sa kanyang kapatid.
Maliban dito, wala raw siyang karapatan na ibuyangyang ang kwento dahil hindi naman daw ito kanya.
Ricky Lo the imbecile used her mental health issue and her brother that triggered Nadine. It was not about the break up. Besides, it was not his story to tell. Honesty is the best policy my ass. https://t.co/9hYXc0CFgo
— Iz (@Izzabae) January 21, 2020
Sinang-ayunan naman ang puntong 'yan ng manunula at aktor na si Juan Miguel Severo.
It's not a question of whether those non-journalists were telling the truth but whether it was their truth to tell or not. It was not. You owe them no apologies. There's no one to redeem here.
— Juan Miguel Severo ?????? (@TheRainBro) January 20, 2020
Two people whose love we loved separated. Their heartbreak is not for entertainment.
Sabi naman ni @siraudon, hindi porke lumabas na totoo ang hiwalayan ay lusot na siya sa atraso.
Ricky Lo feeling like he redeemed himself lol. Doesn't change the fact that he's bullying Nadine and trivializing one's mental health. Not even a fan of Nadine but I hate self-entitled boomers like Ricky Lo. Anne Hathaway and Beyonce says hello ?? pic.twitter.com/i8DL304ole
— Tomoya (@siraudon) January 21, 2020
Hindi na rin naiwasang magkomento ng kapwa manunulat na si Jerry B. Gracio sa isyu, at pinasaringan pa ang kontrobersyal niyang panayam sa Hollywood actress na si Anne Hathaway.
"Dinawit pa ni Ricky Lo ang mental health ni Nadine sa artikulo... Ngayon, sasabihan pa niya si Nadine ng 'ano na? 2020 na!!!' Kaloka 'tong third-rate showbiz columnist na 'to na ni hindi marunong mag-interbyu!" sabi niya.
Dahilan ng hiwalayan, ano ba talaga?
Samantala, naglipana ngayon sa social media ang iba't ibang hinala tungkol sa tunay na dahilan ng breakup.
Ang ilan, tila nagpapahiwatig na may isyu ng third party.
Kasabay nito, nagulantang na lang ang marami sa Instagram story ng ex-jowa ni James, na tila nagpaparinig sa breakup ng JaDine.
"Binaha ang DM ko ng, 'Narinig mo na ba ang balita??' 'Anong masasabi mo sa...' 'cHeAteRr siya,'" sabi ni Ericka Villongco.
"Eto, pagsasalitain ko na ang balita para sa sarili nito. Karma's a bitch. LOL. God spared me."
I CANT pic.twitter.com/vIljjdIed6
— M (@michellemmanese) January 21, 2020
Binura na ni Ericka ang paskil, at humingi ng tawad pagkatapos. Paliwanag niya, masamang biro ito at nagpadalos-dalos siya.
Dagdag niya pa, labas na ito sa kanya at hindi wasto maging masama sa mga tao.
update:
— M (@michellemmanese) January 21, 2020
taray is this an ericka villongco stan account na. bat may updates? ?? pic.twitter.com/fzxoKw0luB
Taliwas sa mga ugong-ugong, sinabi nina James at Nadine sa kanilang statement na iba ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
"Totoong wala na kami, pero hindi dahil sa mga dahilang ikinakalat sa mga tabloid at social media... nagdesisyon kaming mag-focus sa aming sarili, hindi lang para sa aming karera ngunit para sa aming personal growth bilang bata pa kami at nais pa naming maka-achieve ng mas marami pa," sabi nila.
Sa kabila nito, siniguro ng dalawa na "in good terms" sila at nananatiling matalik na magkaibigan.
Patuloy pa rin naman daw na magta-trabahong magkasama sina Nadine at James lalo na pagdating sa musika.