Jodi, pangarap maging kontrabida na very dark

Jodi

Halos dalawang dekada nang aktibo sa show business si Jodi Sta. Maria. Iba’t ibang karakter na ang nagampanan sa mga pelikula at telebisyon pero mayroon pa raw pinapangarap na gawin ang aktres. “I want something that is off beat, something that is not me, something that is different. I don’t mind embarking on a role na parang kontrabida, someone who is very dark,” bungad ni Jodi.

Ayon sa aktres ay hindi dapat nali­limitahan ang mga ginagawa ng isang artista sa bawat proyekto. “I am an actor. As an actor, you are given different kinds of roles. Me kasi, I would always want to welcome challenge. I want a role that will scare me na parang to the point na I would even doubt myself na, ‘Can I actually do this?’ Can I portray this correctly?’ I want those kinds of roles. Parang I’m not limiting myself to lead roles lang,” paliwanag niya.

Magbibida si Jodi sa digital movie na My Single Lady kasama sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion. Mapapanood ito simula bukas sa iWant.ph.

Ina, nagka-panic attack sa shooting ng Block Z

Sa January 29 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Kabilang din sa naturang proyekto si Ina Raymundo at ayon sa aktres ay hindi na siya nakaramdam ng pagkailang sa dating magkasintahan dahil ilang beses na rin silang nagkatrabaho.

“Pangatlong project na namin ito. Una ‘yung Vince and Kath and James, Ngayon at Kailanman, at saka itong Block Z, pero kami ni Julia may pang-apat pa kami. Nakatulong ‘yung pagsasama namin before para mag-reflect sa movie ‘yung familiarity namin. So that’s why ‘yung barkada feels mapi-feel mo pero zombie ako,” nakangiting pahayag ni Ina.

Para sa aktres ay kakaibang karanasan ang kanyang nagawa bilang isang zombie sa nasabing pelikula. “I play Angie na mother zombie. Mahirap talagang maging zombie dahil unang-una ‘yung make-up na lang, it takes four and a half hours maybe more pa yata para malagay ‘yon. Saka ‘yung speed at saka ‘yung pag-twitch ng neck and pag-growl and everything, ang hirap niya. Sa totoo lang hindi ko na kayang gawin ‘yung ginawa ko,” pagbabahagi niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ng takot si Ina habang nagtatrabaho bilang isang artista.

“Bigla na lang parang sinaniban ako ng lahat ng zombie. Puwera biro, for the first time in my life na in character ako, natakot ako do’n sa prosthetics na make-up. Kasi sobrang kapal niya, sobra talagang kadiri, na ‘yung mga tao sa paligid ko no’ng last day, hindi makatingin sa akin. Nagkaroon ako ng parang panic attack kasi naisip ko. ‘Pag biglang nag-earthquake or something at magtakbuhan lahat, masa-stuck sa akin ‘yung make-up ko, so talagang nakakatakot,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

Show comments