^

PSN Showbiz

Lorna at mga anak magkakanya-kanya na ng bahay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna at mga anak magkakanya-kanya na ng bahay
Ralph, Renz at Lorna

Itinuloy na rin pala nina Lorna Tolentino at ang dalawang anak niyang sina Ralph at Renz na magkanya-kanya na sila.

Nabanggit sa amin ni Renz sa pictorial ng Descendants of the Sun na ipapagiba na raw nila ang bahay nila sa White Plains at patatayuan ito ng tatlong bahay na tipong townhouse.

Patapos na nga raw ang ipinatayo nila sa likod ng lumang bahay at eventually, gigibain na yung dati nilang bahay para maayos na rin para naman daw iyun sa Mama nilang si Lorna Tolentino.

“Kanya-kanya na kaming bahay. Magsu-solo na ako. Ako na magluluto ng pagkain ko, ako na maglilinis ng bahay. Hindi naman ganun kalaki yun eh.

“Wala akong kasama, may driver lang,” kuwento ni Renz.

Since siya na lang nga mag-isa, sinundan na rin namin ng tanong kung kailan naman siya magkakaroon ng partner na makakasama naman niya sa kanyang bahay.

“Baka meron na, sini-secret ko lang.

“Magtanung-tanong na lang kayo diyan,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Hindi pa naman daw sila nagkakahiwalay, kaya ini-enjoy daw muna niya ang mga luto sa bahay nila. Pero pinaghahandaan na rin daw niya ngayon ang mag-solo.

Abala pa rin naman si Renz sa regular taping niya sa Descendants… na kung saan isang doktor ang role niya rito kasama sa team ni Jennylyn Mercado.

Wala pa ring pahayag ang GMA-7 kung kailan ito sisimulang umere.

Pero hindi ito ang ipapalit sa magtatapos na Beautiful Justice.

Puspusan na ang paglabas ng trailer ng Anak ni Waray, Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez na iyun nga raw ang ipapalit sa Beautiful Justice na malapit nang matapos.

Summer MMFF finished film na ang pipiliin

Marami na palang producers ang nag-submit ng letter of intent sa MMFF (Metro Manila Film Festival) Executive Committee para sa Summer Metro Manila Film Festival.

Nag-request lang daw ang karamihang producers na kung puwede i-extend ang deadline ng submission of finished films para makahabol daw ang pelikula nila.

Finished films na kasi ang pipiliin na walong pelikulang entries sa Summer MMFF.

Ganun pa rin daw ang rules na susundin at ang Screening Committee na bumuo sa MMFF nung Pasko ay sila pa rin ngayon ang mamimili sa Summer filmfest.

Since marami ngang producers ang nag-request na i-extend, ginawa na nilang February 15 ang deadline at hindi na sa January 31.

“Ipapa-approve lang po namin sa Executive Committee, pero approved na po ni Chairman (Lim) yung request na i-extend lang po nang konti para po umabot sila,” pakli ni Atty. Dan Artes ng MMFF Execom.

Sabi naman ng General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia, “Sana itong Summer MMFF makatulong din sa industry.

“We’re hoping na sana makatulong ito kahit papano.

“Yan naman ang purpose namin sa Metro Manila Film Festival to help the industry ng Pelikulang Pilipino.

“So, we want to thank again Sen. Bong Go for initiating this Summer festival.”

Rachelle sinorpresa ang 1 for 3

Si Rachelle Ann Go ang isa sa surprise guests sa All-Out Sundays namapapanood ngayong tanghali.

Makakasama ni Rachelle sina Aicelle Santos, Mark Bautista at Christian Bautista.

Ipu-promote ni Rachelle ang Valentine concert niya sa Resorts World, at ganundin sina Aicelle, Mark at Christian para sa kanilang 1 for 3 concert na gaganapin sa The Theatre of Solaire sa February 1.

Pagkatapos ng promo guesting nilang ito ay mukhang itutuloy-tuloy na nila si Christian para sa naturang musical-comedy show.

Magiging regular na rin ang Asia’s Romantic Balladeer sa All-Out Sundays, at ganun na rin daw si AiAi delas Alas. 

LORNA TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with