Laganap ang kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Maraming mga kababayan natin ang apektado ngayon dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal. Matatandaang ilang linggo na rin ang nakalilipas nang magsimula naman ang malawakang bushfire sa Australia kung saan nakabase ang mga magulang ni Catriona Gray.
Ayon sa Miss Universe 2018 ay maayos naman ang kalagayan ng mga mahal sa buhay sa kabila ng kalamidad sa Australia.
“Devastating talaga ‘yung situation doon sa Australia. Pero ‘yung mga magulang ko, thank God, they’re very far from the affected areas,” bungad ni Catriona.
Para sa dalaga ay mas mabuting magkaisa tayong lahat upang makatulong para sa mga nabiktima ng iba’t ibang kalamidad.
“If we could give whatever we could, whether it be a small donation, it goes primarily to the families who have been displaced, who have lost all their homes and are in very affected areas,” giit niya.
Samantala, pangalawang linggo na ngayon bilang host si Catriona sa It’s Showtime. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng beauty queen dahil ngayon lamang niya naranasan na maging host sa isang programa sa telebisyon.
“Actually super excited, also super nervous din. Kasi it’s my first time hosting doon sa noon time show. But I was actually excited for the opportunity because I knew that I would be given a chance to grow, to really learn. I felt like sobrang welcome ako doon sa family nila. They were all very welcoming with me, very kind,” pagtatapos ng dalaga.
Martin at Pops sinagot ang isyung nagpapanggap lang
Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng tambalan nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil muling magsasama sa isang concert para sa nalalapit na Valentine’s Day. Maayos na maayos na ang turingan ngayon ng dating mag-asawa kaya wala nang tensyon sa tuwing nagkakasama sila. “I think we surpassed it. The stress and the tension. Parang gusto nga naming ma-tense eh, hindi na, ayaw na. I always say this, performing with Martin is so easy. He makes it easy for me,” nakangiting pahayag ni Pops.
Gaganapin ang Twogether Again concert sa Solaire Theater sa February 14, 15, 17 hanggang 21. May ilang nagsasabi na nagpapanggap lamang diumano na maayos na ang turingan ng dating mag-asawa upang tangkilikin ng mga tagahanga ang kanilang shows. “We never pretend, we don’t pretend and we’re not saying and never we are saying that because we’re performing together there is a chance that we will get back together. No, we’re not playing with our emotions. Whatever it is that you see, is what you get. I think it’s just that we still discovered that we enjoy performing together,” paglilinaw ng Concert Queen. Reports from JCC