^

PSN Showbiz

Hotel ni Mother Lily sa Batangas halos matabunan ng putik!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hotel ni Mother Lily sa Batangas halos matabunan ng putik!
Mother Lily

Ang lungkot ng boses ni Mother Lily Monteverde nang makausap ko kahapon dahil naapektuhan pala nang husto ang kanyang Taal Imperial Hotel and Resort sa may Taal, Batangas dahil sa pagputok ng Taal Volcano.

“Nasira na ang ibang bubong. Natakpan na ng abo, pati swimming pool ko umapaw na mga putik,” nag-aalala niyang pahayag.

Hindi raw niya alam kung kailan daw niya ito mapapaayos dahil hindi pa alam kung hanggang kailan ang pag-aalburoto ng naturang bulkan.

“Laki na naman gastos para mapaayos yan,” himutok ni Mother Lily.

Balak  pa naman daw niyang pumunta roon sa hotel niya nung Linggo, pagkatapos nilang magsimba at mag-lunch ang buong pamilya.

“Pagkatapos namin mag-lunch sa bahay, nagyaya ako na pumunta run.

“Ayaw lang ni Roselle. Mag-Podium na lang daw kami.

“Buti na lang nag-Podium na lang kami, nagkuwentuhan kami dun kasama pa sina Annabelle (Rama),” kuwento pa ng Regal producer.

Kung natuloy daw siya, eh di sana stranded daw siya roon.

Mabuti na lang at sumunod daw siya kay Roselle.

Pero ang isa pa sa inaalala ni Mother Lily ay ang mga taong nagtatrabaho raw sa hotel niya na tiyak apektado na nakatira rin doon sa Taal at mga katabing bayan.

Naawa rin daw siya kay Mayor Pong Mercado ng Taal na dating nagtatrabaho sa kanya sa Regal.

Humihingi si Mayor Pong ng dagdag pang tulong na ma-evacuate niya ang mga tagaroon.

Kulang daw sila ng sasakyan para gamitin sa pag-eva­cuate sa mga tao, at kulang na rin daw ng pagkain, dahil wala na raw silang mabibilhan.

“Naawa nga ako kay Mayor Pong. Sana tulungan pa natin

“Sabihin mo naman kay Sen. Bong (Revilla) tulu­ngan niya si Mayor Pong,” pakiusap ni Mother Lily.

Maraming showbiz events, postponed!

Ipinagpaliban na nga muna ni Sen. Bong Revilla ang Thanksgiving lunch

niya sa mga kaibigang movie press dahil nga sa nangyari sa Taal.

Naapektuhan na rin ang ilang bahagi ng Ca­vite at patuloy silang nagmu-monitor sa iba pang lugar na nasalanta.

Samantala, ang dami ring nagku-comment sa social media sa ibang taga-showbiz na nagpu-post pa rin ng kanilang Tala dance challenge.

Kontodo ngiti pa ang iba na off na ito tingnan sa panahon ngayon.

Kaya sinasabihan na silang itigil na muna yang Tala dance. Sa kata-Tala dance, nag-alburoto tuloy ang Taal.

Halos lahat naman na taga-showbiz ay patuloy sa pagpu-post na magsama-samang magdasal para sa kaligtasan ng ating mga kababayang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Hindi na rin muna itinuloy ang pa-premiere night ng pelikulang Mia na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman.

Naglabas sila ng public advisory na postpone daw muna ang kanilang #NationalMiaDay na gaganapin dapat sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Pati ang red carpet screening ng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson na gaganapin dapat sa Gateway Mall ay na-postpone na rin.

Ilang shooting at taping na sa Batangas at malapit na bayan ang location ay kinansel na rin.

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with