^

PSN Showbiz

Maureen hindi naging mahalay kay Kit

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maureen hindi naging mahalay kay Kit
Maureen

Sa susunod na linggo ay matatapos na pala ni Maureen Wroblewitz ang launching movie niya sa Reality Entertainment.

Halos sampung araw rin siyang nag-shoot sa New Zealand kasama ang leading man niya rito na si Kit Thompson.

Proud ang mga taga-Reality sa pelikulang ito, dahil ang ganda raw ng kuwento at buma­gay kay Maureen.

Si direk Katski Flores ang nagsulat at nagdirek ng project na may working title na Runaway.

Puring-puri nila si Maureen dahil kahit hindi pa talaga siya sanay umarte, nakikinig daw ito sa mga instruction at nakukuha naman niya.

Hindi raw ito sexy movie, pero lumabas ang kaseksihan ni Maureen na bumagay rin sa pagka-hunk ni Kit.

May mga love scenes daw sila na na-execute ni direk Katski na hindi mahalay.

Maingat daw sila kay Maureen dahil hindi naman daw siya puwede sa mga daring scenes.

Gusto lang daw nilang ipakitang may karapatan ang Asia’s Next Top Model na magbida sa isang pelikula.

Gabby gustong saklolohan si KC?!

Marami na ang nagbibigay ng opinyon sa isyu ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Wala pang kasunod na pahayag si KC, at wala ring sinasabi ang ama nitong si Gabby Concepcion, pero sa ilang post ng aktor sa kanyang Instagram account, tila tinutukoy nito ang isyu ng mag-ina.

Sabi niya sa isang post niya; “Sometimes the best thing you can do is not think, not wonder, not imagine, not obsess. Just breathe, and have faith that everything will work out for the best.”

Ang daming netizens ang nag-react na hindi rin pabor sa pagsasalita ni Sharon Cuneta sa mga interviews ng problema nila ni KC.

Isang follower ni Gabby ang nag-comment sa isang post niya at ni-like niya ito.

Sabi nung isang follower : “I’m happy that you feel peace but you need to help your daughter and keep her from her abuser which is her own mom @reallysharoncuneta @itskcconcepcion needs to be protected held her. Look at my posts in my feed!”

Hindi man madiretso ng aktor, pero maaaring pati siya ay hindi rin umaayon sa ginawa ni Sharon na inilabas sa publiko ang sama ng loob sa kanilang anak.

Puwede nga naman nilang pag-usapan ito sa pribadong paraan.

Kyline mamahalin muna ang sarili bago mag-dyowa

Sa September pa ang kaarawan ni Kyline Alcantara pero ngayon pa lang ay gusto na nitong paghandaan dahil medyo may kamahalan.

Magdi-debut na siya at gusto raw niya mala-Enchanted Forest ang concept ng celebration niya. Kaya kailangan daw niyang pag-ipunan.

Trabaho raw muna siya this 2020 at hindi niya priority ang magka-lovelife.

Kaya nga bukod sa All Out Sundays, excited na rin siyang magsimula sa Bilangin Ang Bituin sa Langit.

Okay lang daw na wala siyang boyfriend sa kanyang debut.

“Kaya ko pong maglakad nang isa,” nakangiti niyang pahayag.

“Sa ngayon po mahalin ko muna ’yung sarili ko. That’s my motto this 2020,” dagdag niyang pahayag.

Kaya mariin niyang itinatangging wala raw talagang namagitan sa kanila ni Miguel Tanfelix.

Never daw naging sila, dahil wala pa raw sa isip niyang magka-boyfriend.

Ito ngang sa Bilangin… ay gustung-gusto raw niyang karerin dahil mahirap daw kung kaeksena mo si Nora Aunor.

Hindi pa raw siya nagsisimula sa naturang drama series, pero looking forward na siyang makatrabaho ang Superstar at ilan pang magagaling na artistang bahagi rito.

vuukle comment

KC CONCEPCION

KYLINE ALCANTARA

MAUREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with