Makakatulog na ng maayos ang singer na si Yeng Constantino matapos magpiyansa ng P30,000 ang lawyer niyang si Atty. Joji Alonzo kahapon dahil sa arrest order ng Provincial Prosecutor’s Office ng Surigao del Norte.
Pero ayaw munang magbigay ng other details ni Atty. Joji tungkol sa kasong kinakaharap ni Yeng.
“Our client, Ms. Yeng Constantino-Asuncion, has posted bail and an Order approving the same has just been signed,” sabi ni Atty. Joji nang i-text ko at hingan ng statement.
“We reiterate that our client has yet to receive a copy of the complaint filed before the Provincial Prosecutor’s Office of Surigao del Norte, for the alleged violation of Sec 4 (c) (4) of RA 10175 in relation to Article 355 of the Revised Penal Code or ‘cyber libel,” dagdag ng sikat na abogada ng mga artista.
When and where did she post bail?
“Sorry Salvs am not giving details muna today. Just a short statement,” reply pa ni Atty.
Wala pang binibigay na statement si Yeng pero sabi nga ni Atty. Joji “Anybody who is facing a criminal case can’t be ok.”
Kinasuhan ang singer ng Cyber Libel sa Regional Trial Court of Dapa, Surigao Del Norte (violation Sec 4 (c)(4) of Republic Act 10175) ni Dr. Esterlina Tan na inakusahan ng singer/actress ng pagpapakita ng pagpapabaya nang maaksidente ang kanyang asawang si Yan Asuncion habang nagbabakasyon sila sa Siargao. Si Dr. Tan ang OIC chief ng Siargao District Hospital.
Agad ini-upload ni Yeng ang kanyang ‘galit’ noong July sa social media at ipinakita ang picture ng doktora na grabe ang naging backlash at inakusahan siya ng doctor-shaming.
Nag-apologize naman agad noon si Yeng pero too late na.
Naganap ang aksidente sa asawa ni Yeng last July sa diving spot sa Siargao at last December ay bumalik sila sa nasabing tourist destination.