Super timely ang pelikulang Mia starring Edgar Allan Guzman and Coleen Garcia.
Wow, bukod sa entertaining na love story, maraming matututunan ang mga manonood nito sa kasalukuyang problema ng buong mundo, ang climate change.
Tinutukan nito ang issue ng love healing and forgiveness.
For a change nga ay hindi predictable, refreshing at bago ang approach na ginamit sa romance-comedy movie na dinirek ni Veronica Velasco.
Gumanap na forester si EA na in love sa doctor na naka-assign sa kanilang barrio na isang lasengga dahil sa pinagdaanang sakit sa boyfriend.
Pero kung ano ang mga sumunod na nangyari ay panoorin n’yo na lang.
Basta ang galing nila EA and Coleen at importante ang role ni Billy Crawford sa isang eksena lang.
Ayon kay Coleen, marami siyang eksena sa pelikula na noon lang niya ginawa.
Majority kasi ay lasing ang eksena ni Coleen at oo nga, grabe ang mga line ni EA na English at ang lalalim ng words na associated sa environmental situation.
Anyway, sinabi nga pala ni Coleen after the press preview the other night ng Mia nang kumustahin si Nadine Lustre na common knowledge na kaibigan niya, na ok ang actress at “she’s in a very good place ngayon. Maganda ang simula ng 2020” na by the way ay magkasamang umalis sina Nadine and James Reid pa-Turkey kahapon para sa kanilang pictorial for a glossy magazine.
Produced ang Mia ng Insight 360 at mapapanood sa mga sinehan beginning January 15.
Ito ang first Tagalog film for 2020.