Frankie umaming nakakausap si KC, ‘sabaw’ ang buwelta kay Pres. Digong

Hindi inexpect ni Frankie Pangilinan na magki-create ng ingay ang tweet niya tungkol kay Pres. Digong bilang pagtatanggol sa parents niya nang sabihin ng presidente na ayaw na diumanong makasama sa isang bubong ng kanyang mama Sharon ang papa Kiko niya.

Tweet noon ni Frankie na “imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. It’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog” na sinundan niya ng “like imagine being more concerned with “ruining” a perfectly happy family instead of... being... a good leader...” at since then ay parang binabantayan na ang mga tweet niya.

Pero ayon kay Frankie, ‘sabaw’ hours lang yun kasi raw sobrang madaldal siya sa twitter.

So anong reaction niya na naging malaking issue ‘yun?  “Parang natakot ako. Parang people see that pala ano. Napa-reality check ako. Parang I’m so  embarassing there,” sabi nito nang maka-chika namin sa A Mega Celebration presscon ng Mommy Sharon niya the other day after nitong mag-sign contract renewal sa ABS-CBN.

Kumusta naman sila ni KC, may communication ba sila?

“Yes of course.”

You like Black Eyed Peas?

Umiiling si Frankie. “I don’t know. Maybe when we’re younger,” sagot niya.

Ang Black Eyed Peas member na si Apl.de.ap (Allan Pineda) ang nali-link ngayon sa ate niyang si KC.

Nauna nang sinabi ni Sharon na wala siyang alam sa nangyayari kay KC at clueless siya sa issue kina KC at Apl.de.ap. “See, I don’t know what’s happening to my daughter in her life,” sagot ng Megastar kung anong alam nina sa anak na panganay sa Film-Am singer.

Show comments