Nakadalawang boyfriend na ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis, at proud itong virgin pa rin siya.
Tungkol sa break-up sa unang boyfriend ang napag-usapan sa mediacon ng pelikulang D’Ninang ng Regal Films na magsu-showing na sa January 22, at bentang-benta ang mga pahayag ng 24-year old actress.
Kinumpirma na nga niyang nakipaghiwalay na siya sa kanyang boyfriend for three years. Mag-partner sila sa negosyo nilang restaurant at ibinenta na raw niya ang share niya roon.
Hindi naman daw siya kumportableng magkasama pa sila sa negosyo, kahit wala na silang relasyon. Hindi rin naman daw kasi hilig niya ang magnegosyo.
Wala naman daw siyang pinagsisihan sa relasyong iyun, lalo pa’t ipinaglaban daw niya iyun sa magulang niya.
Pero ang bilis niyang nakapag-move on dahil nagkaroon agad ito ng bagong boyfriend.
“‘Di ba meron tayong mga moment… na meron tayong mga tao na habang kayo ay nagmu-move on ka na?
“Siguro sa mga nangyayari, as time goes by siguro sinasama na rin ng move on habang kayo pa,” pakli ni Kiray.
Kaya nga kahit siya ay nagulat ding nakahanap agad siya ng kapalit, at proud siyang mas guwapo ngayon ang bago niyang boyfriend.
“Guwapo talaga ang boyfriend ko ngayon. Very proud ako,” pagmamalaki niya.
Matagal na raw silang magkakilala nitong boyfriend niya ngayon dahil kaibigan daw ito ng kapatid niyang lalaki.
Nagsimula lang kasi nang makalaro raw niya ng Mobile Legends.
“Doon kami nagsimulang mag-usap kasi naglalaro kami ng Mobile Legends,” dagdag niyang kuwento.
At ngayon pa lang ay masasabi niyang ito na ang lalaki para sa kanya.
“He is the one and only. Kasi kung may the one, may the two eh,” sabi pa niya.
Pero hanggang ngayon ay proud din niyang idinedeklarang walang nangyari sa kanilang dalawa at virgin pa rin siya.
“Wala po talaga. Malakas po ang mens ko ngayon,” bulalas ni Kiray nang nakita niyang parang ‘di kami naniniwala sa sinabi niya.
“Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo ganun na kayo? Hindi naman kailangan yun eh.
“Hindi naman lahat ng tao…hinihiling naman yun. Yung iba marespeto talaga.
“Ayoko pa eh!” dagdag niyang pahayag.
Pulis nag-sorry sa pambubura ng video sa reporter na si Jun Veneracion
Kinondena ng mga taga-media ang ginawa sa GMA News reporter na si Jun Veneracion nitong isa sa mga district commanders ng NCRPO Brig. General Nolasco Bathan.
Nangyari ito sa kainitan ng coverage ng Traslacion nung nakaraang Huwebes.
Kinunan kasi ni Jun ang mainit na tagpo sa may Ayala Bridge na kung saan nagkaroon ng tulakan sa mga pulis at mga devotees ng Poong Nazareno.
Kaagad na kumalat sa social media ang video na kuha rin ni Jun na kung saan naka-record pa rin nang kinuha ito ni Gen. Bathan at dinig pa ang sinasabing burahin ang video.
Isinoli ang cellphone ni Jun at nag-sorry sa kanya si Bathan pero nang tsinek nito sa photo gallery, burado na ang naturang video.
Pero nagawa niyang i-retrieve ang video na iyun sa ‘recently deleted photo album.’
Humingi ng paumanhin si Bathan kay Jun Veneracion, at kahapon ay naglabas sila ng statement ang PNP Press Corps kaugnay sa insidenteng ito.
Narito ang kabuuan ng naturang pahayag.
“The PNP Press Corps expresses serious concern on the behavior displayed by Brig. Gen. Nolasco Bathan against GMA 7 Reporter Jun Venaracion during the Black Nazarene Procession coverage on Thursday in Manila. General Bathan’s action of grabbing the cellular phone of Jun Veneracion and allegedly ordering one of his men to delete the video of the confrontation between policemen and devotees are not only an attack on press freedom but also trample on the rights of Mr. Veneracion as a civilian and a citizen of the country-- both press freedom and basic rights of citizens are enshrined in the Constitution that the government, which General Bathan represents, vows to uphold and protect.
“We understand the stress and pressure brought by the long preparation and the situation on the ground during the incident, but General Bathan’s thug-like attitude in front of his men is plain and simple conduct unbecoming of a PNP member, of a police general.
“Undeniably, journalists have been the PNP’s partner in disseminating information on the regular progress of the security preparations for the Black Nazarene procession. They do not deserve to be treated that way for doing their job. On the other hand, the PNP Press Corps appreciates the action of the PNP leadership headed PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa to order an investigation on the incident.
“We likewise express our appreciation to General Bathan for being man enough to acknowledge his mistake and apologize to Mr. Veneracion.
“The history of the PNP includes mutual respect and understanding of the police and the press, as both have long recognized that they have an obligation to do for the Filipino people. There must not be misunderstanding and quarrel on that.”