Enrique at Liza magtatayo ng beach spa, bahay nila pina-plano na rin

Enrique at Liza

Ilang taon na ang nakalilipas mula nang naipatayo ni Enrique Gil ang naipundar na beach house sa Batangas. Ayon sa aktor ay nagpaplano rin siyang ibenta ito at muling bumili ng panibagong property. “We built that to sell but then we fell in love with it. So parang hindi na namin nabenta. So I never really got to start my business side. I just acquired the lots but not really building and selling it yet. So right now I built my beach house which I’m going to put on the market. I’ve decided it with my mom. For sure this year it’s going to be on the market and our first house,” pagbabahagi ni Enrique.

Ngayong taon din nakaplanong simulan ng aktor ang pagpapatayo ng isang resort spa na magiging negosyo nila ng kasintahang si Liza Soberano. Malapit lamang din ang lokasyon nito sa beach house ni Enrique. “I got ano­ther property beside it that’s like a hectare sa may coastline na gusto ko gawing resort. Sabi ko, ‘Let’s just stick with the plan na lang. Let’s just sell this house and then let’s build the resort there.

Mas malaki pa ‘yung place. Tapos na ‘yung beach house, we’re just waiting to sell it,” kuwento niya.

Isang dekada na ang nakalilipas mula nang pasukin ni Enrique ang show business kaya naman para sa aktor ay napapanahon na upang magpagawa ng sariling bahay para sa kanyang magiging pamilya. “I am, soon. Kasi ayoko lang to get a place. Kasi I still live with my mom in the south, still in the same house where I grew up. It’s a one-storey house. It’s actually very masikip na para sa amin but we’re used to it.

It’s a small house. Ang dami ng gamit so what we’re planning to do is sell this house and we can build bigger house for my mom and my sister, and for me to stay also.

And then I’m going to be building with Hopie (palayaw ni Liza) in Vermosa in the future,” pagdedetalye ng aktor.

Yeng nakaranas ng lowest point ng kanyang career

Inamin ni Yeng Constantino na hindi sang-ayon ang asawang si Yan Asuncion sa ginawang video blog tungkol sa aksidenteng naranasan habang nagbabakasyon sila sa Siargao kama­kailan. Matatandaang naging kontrobersyal ang vlog na ito ng singer kung saan pinangalan pa ang duktor na kanilang na-encounter sa lugar.

Nakaranas ng pamba-bash si Yeng mula sa ilang netizens dahil sa naturang vlog.

“Honestly hindi siya agree sa ginawa ko but ako para akong mother bear, parang sobrang gusto kong maipaglaban kahit minsan may nagagawa tayo na mali dahil sa may gusto tayong ipaglaban. Inintindi niya ako pero after ‘yon sinabi niya talaga, ‘Alam mo love, kung ako papipiliin gusto kitang pigilan pero gusto kitang bigyan ng kalayaan to do what you want pero I wish na pinigilan kita. Kasi ‘yung hurt na na-feel mo parang ayaw kong ma-feel mo ‘yon.’ Nag-mature ‘yung relationship namin,” emosyonal na pahayag ni Yeng.

Para sa singer-actress ay maituturing niyang ito na marahil ang pinakamalungkot na nangyari sa kanya mula nang pasukin ang show business. “I think that was the lowest point na naranasan ko in thirteen years sa career ko. I felt at that time na the world was against me and I have to open my eyes to really see clearly kung sino ‘yung mga taong nandoon para sa akin to not feel sobrang awang-awa sa sarili,” pagtatapos ni Yeng.  (Reports from JCC)

Show comments