Matagal-tagal nang hindi aktibo sa telebisyon si Coleen Garcia. Matatandaang naging host din ang aktres sa It’s Showtime kung saan nakilala ang asawang si Billy Crawford. Para kay Coleen ay mas masaya siya ngayon sa ibang mga ginagawa kaysa maging host muli sa nasabing noontime show. “Right now I’m enjoying kasi muna and ang dami kong nagagawa rin,” bungad ni Coleen.
Taong 2016 pa nang magpaalam si Coleen sa It’s Showtime kaya pumutok ang balitang nagkaroon diumano ng iringan sa pagitan nila ni Anne Curtis. “Never kami nagka-anything, I mean she even invited me sa BLK in Australia after everything. Siguro mga tao lang ang gumagawa ng drama. I mean it’s always exciting when there’s drama but with us never naman nagka-fight, tampuhan or anything. Noong time na ‘yon kasi ang daming isyu na lumalabas. I did adjust with these before as far as I can remember. Actually no’ng nawala ako sa Showtime, isa siya sa unang nag-text sa akin,” paglilinaw ng aktres.
Sa ngayon ay maayos na maayos ang turingan nina Coleen at Anne sa isa’t isa lalo pa’t pareho na silang may asawa. “Very good, you’re all like settled down and you’re all married. You all kind of share a similar mindset also. Parang nando’n kaming lahat ngayon sa Showtime, sina Jhong (Hilario), Ryan (Bang) na lang yata at si Vice (Ganda) ang hindi ikinakasal eh,” pagtatapos ni Coleen.
Joem, mas napahanga kay Juday
Malaki ang paghanga ni Joem Bascon kay Judy Ann Santos bilang isang magaling na aktres. Maraming beses nang nagkatrabaho ang dalawa sa telebisyon at pelikula. Magtatapos na ngayong Biyernes ang teleseryeng Starla kung saan muling nagkatrabaho sina Judy Ann at Joem. “Ngayon kasi, iba ‘yung Judy Ann before no’ng nakatrabaho ko siya kasi wala pa siyang anak, wala pa siyang asawa. I guess, ang tao talaga ‘yung maturity sa buhay nag-i-exude din talaga sa kamera eh. Meron din talagang nagbabago sa acting, sa pananaw sa buhay. Kasi nagka-baby siya, nag-asawa, so iba na ‘yung mga pananaw, ‘yung views niya, ‘yung nararamdaman niya kapag umaarte. Nag-evolve talaga siya into something na sobrang galing. Kasi ang galing na niya before, gumaling pa siya lalo. Kumbaga nagkaroon pa siya ng iba’t ibang layers,” nakangiting pahayag ni Joem.
Mas napahanga umano ang aktor dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaganap si Juday bilang isang kontrabida sa naturang serye. “Kahit ako natatakot ako sa kanya kapag umaarte na siya eh, kapag inuutusan na niya ako sa eksena. Kasi talagang alam n’yo naman si Juday kapag into character, in character talaga siya. Hindi naman siya ‘yung half-baked lang na ginagawa,” giit niya.
Maging si Joem ay nai-enjoy rin ang pagganap bilang isang kontrabida sa mga proyekto. “’Yung iba takot silang tumanggap ng kontrabida roles pero ako hindi. Excited ako ‘pag may offer sa aking ganyan. Kasi mas nacha-challenge ako. Nailalabas ko talaga ‘yung pagiging hindi ako. Hindi naman sa naa-unleash ‘yung the other side of me, kumbaga masarap din minsan to experience those emotions na hindi mo madalas ginagawa,” paliwanag ng aktor.
(Reports from JCC)