Kyle gustong maging katulad nina Inigo at Darren
Maituturing ni Kyle Echarri na maraming mga biyaya ang kanyang natanggap sa nakaraang taon. Bukod sa teleseryeng Kadenang Ginto ay abala rin ang binata sa pagiging singer. Matatandaang ang pagkanta ang pinagkakaabalahan noon ni Kyle bago pa naging bahagi ng naturang serye.
“It’s been the biggest year of my life. First love ko po is music.
The first song I wrote was in English. It’s a song about someone,” bungad ni Kyle.
Bukod sa pag-arte at pagkanta ay nakapagsusulat na rin si Kyle ng mga kanta. Nangangarap ang singer-actor na makapaglulunsad ng isang album na mayroong sariling mga komposisyon balang araw. “I’m writing music now.
Noong una po mas mahirap sa akin magkaroon ng sarili kong melody. Naghahanap ako ng mga beat, tapos kung anong nararamdaman ko sa beat na ‘yon, I wrote over it. Pero minsan talaga, I have songs na ako talaga ang gumawa ng buong kanta, the melody, ‘yung areglo. Minsan nasa set ako magkakaroon ako ng melody. Ire-record ko lang sa phone, tapos pagkauwi ko, I’ll finish the song,” pagbabahagi niya.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ni Kyle sina Darren Espanto at Inigo Pascual sa isang proyekto. Nangangarap din ang singer-actor na marating ang naabot ni Inigo na nakapagtanghal at nakilala sa iba’t ibang bansa.
“Siyempre pangarap ko din ‘yon. Sino ba naman ang hindi mangangarap maging international artist? I’m very proud of Inigo and hopefully it paves the path for more OPM artists.
Actually, nagpa-plan kami ni Darren, nagsusulat kami. Sana next album ko, magkaroon kami ng kanta na featuring siya,” pagtatapos ni Kyle.
Kapatid ni Gerald na Navy gusto siyang idirek
Nakabalik na sa bansa ang nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na si Ken Anderson. Pansamantalang iniwan ni Ken ang showbusiness noong isang taon upang sundan ang mga yapak ng ama na isang US Navy.
“I’m still on the reserve list for the Navy. Right now I’m just enjoying my time here back home. In case of an emergency that call all the reserves to come in and do duty. That’s why I joined the reserve, para I can still do showbiz whenever there’s a possibility,” nakangiting pahayag ni Ken.
Maliban sa pag-arte ay nangangarap ang binata na maging isang direktor kaya nag-aral din ng Filmmaking.
Umaasa si Ken na makagagawa ng isang pelikula na ang kanyang kuya ang magbibida. “Sana, pero matigas ulo niyan ‘pag ididirek, joke, joke lang. I got into filmmaking so hopefully makapagdirek ako sooner or later. I’ve always had a passion naman for filmmaking eh.
I’ve always wanted to be a director deep inside. And I thought na since medyo I’m older na, I think now is the time to pursue it. Si direk Erik Matti, my all-time favorite director for the Philippines. ‘Yung mata kasi niya for film ay ibang-iba talaga, ang galing,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest