Grand China acrobatic circus dinagsa ng mga bata
MANILA, Philippines — Hanggang bukas pa, January 4, ang The All New Grand China Acrobatic Circus sa Smart Araneta Coliseum na nagsimulang mapanood last Christmas.
Almost two hours ang show na mapapa-wow ka talaga sa gagaling ng mga Chinese sa balancing acts at acrobatic acts.
Actually, nung manood kami last January 1, ang daming tao.
Siguro nga kasi maraming hindi nanood this year ng ibang pelikula ng Metro Manila Film Festival at walang Star City, kaya maraming dumagsa sa Araneta para mapanood ang China Acrobatic Circus at bihira nang magkaroon ng ganitong show dito sa atin.
Dati nga kailangan mo pang mag-travel sa China para makapanood ng ganitong show dahil pag sumama ka sa group tour, dito ka muna dadalhin ng tour guide bago mag-check in sa hotel.
Anyway, P1,500 lang ang pinaka-mahal na ticket as in nasa front row ka na nun habang P285 ang cheapest.
Aliw ang palabas dahil may audience participation at bidang-bida si Sta Claus.
- Latest