‘Love you Veana, our Korean ninang’

Veana

Thank you kay Veana Fores na lagi tayong kinukunsinti sa mga late blooming kagagahan natin Salve.

Kapag dumarating ang mga Korean Oppa at kapag may concert na type natin, kinukulit natin si Veana.

Ngayong may palabas sa Smart Araneta Coliseum na acrobats na nag-start nung December 30 hanggang January 1 and 2, nag-offer si Veana na ipanood ang mga bagets natin Salve.

Bongga Mama Veanna ko na talagang gusto na maging masaya tayo kaya okey lang kapag kinukulit natin siya.

Talagang ang dami natin na dapat ipagpasalamat sa kanya. Sobra ang gift of generosity niya sa grupong Koreana natin nina Lynette, Rose, Vinia at lalo na ikaw Salve na gustong laging malapit ang puwesto mo para sight mo nang malapitan ang mga Oppa.

Nasali pa sina Gay, Jan at Liendl, ewan ko na lang ang sakit ulo ni Mama Veanna. Love you Veanna at thank you mucho mucho, our Korean ninang.

Mga daga mahusay lumusot

Year of the rat ang 2020 Salve.

Ang rat ay survivors, kahit sa gitna ng dumi, ingay, lahat ng panganib sa paligid, they survived.

Actually nga, very wily and scheming sila, kaya nilang lusutan lahat ng ginagawa mong trap sa kanila.

Sana ganun din ka-smart ang tao, kahit ano pang patibong, kahit anong trials kayanin natin. Malaking test sa faith iyon naganap sa mga huling araw ng taon, sunog, lindol, bagyo. Kung hindi matibay ang loob mo at pananalig sa Diyos, talagang itatanong mo, bakit ngayon nangyari mga ito? Pero dahil alam mo na higit na alam ni God kung ano ang dapat mang­yari, tuloy lang ang tiwala at pananalig. Dasal ang katapat ng lahat, for God we trust. Amen.  

Show comments