^

PSN Showbiz

Apl.de.Ap at KC nagkatuluyan na rin sa wakas

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Apl.de.Ap at KC nagkatuluyan na rin sa wakas
Apl.de.Ap at KC

Matapos maudlot ng ilang beses

MANILA, Philippines — Wow, almost confirmed na pala ang relasyon nila Apl.de.Ap and KC Concepcion.

As in, sila na diumano at hindi pa lang officially umaamin.

Actually, minsan lang nag-upload si KC ng photo nila ng sikat na Fil-Am singer pero diumano’y madalas magkasama ang dalawa sa Amerika.

Ito ang isa sa mga pinag-usapan sa episode 46 ng Take It… Per Minute! (Me Ganun), sa naging yearend presentation din ng no. 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON na no. 1 tabloid din sa kasalukuyan.

May gulat factor sa tatlong host ng programa na si Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu ang tungkol sa kanila lalo na nga’t kilalang mga guwapo ang mga na­ging ex ng anak nina Gabby Concepcion and Sharon Cuneta.

Common knowledge na naging dyowa ni KC sina Piolo Pascual, Paolo Avelino, and French filmmaker na si Pierre Plassart.
Comment nga ni Manay Lolit na pag nagpe-perform si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas, ngipin lang nito ang madalas niyang makita na siyempre ay joke niya lang.

Pero in all fairness, big time si Apl.de.ap.

Pinaalala ng pamangkin ni Manay Lolit na si Apple na 20 million US dollars ang net worth ng singer ayon sa website na celebritynetworth.com.

Sumikat si Apl.de.Ap sa Black Eyed Peas na nabuo noong 1992.

Marami silang sumikat na kanta tulad ng Where is the Love, I Gotta Feeling, Pump It, Boom Boom Boom, Let’s Get Started at marami pang iba.

Si KC ay walang naging confirmation sa break up nila ng boyfriend na si Pierre Plassart last July.

Basta nag-post siya sa kanyang Instagram account ‘single lady’ na siya nang minsang sumama ang kanyang pakiramdam.

Noong 2011 ay lumabas na sa ABS-CBN.com na binigyan ng Fil-Am singer ng Tiffany necklace si KC at inamin niya noon pa na friends na sila.

Going back to Take It… Per Minute! (Me Ganun), kasama sa talagang pumalo sa dami ng views sa kauna-unahang digital show ng mga reyna ng intriga na sina Manay Lolit, Manay Cristy at Mr. Fu, ang kuwento ng ghosting nina Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto. As in sinubaybayan ng viewers ng show ang bawat development sa nasabing love triangle ng tatlong Kapamilya stars.

Ngayon ay pare-pareho na silang nanahimik pero may mga ilan pa ring source na nagsasabi na diumano’y may communication pa rin sina Ge­rald and Julia at ok na ok ang kanilang relasyon.

Si Bea ay kasalukuyang nasa Europe at nagbabakasyon. Si Julia ay nasa Amerika kasama ang inang si Marjorie at mga kapatid niya.
Si Gerald naman finally ay ipalalabas ang A Soldier’s Heart sa primetime ng ABS-CBN.

‘Yan at marami pang iba ang napanood sa last episode for 2019 ng TIPMMG na mas exciting at pasabog ang mga chikahan sa 2020.

Starting January back to normal schedule din ang Take It…, every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Facebook ng Pilipino Star NGAYON at PSN Latest Chika Facebook Pages.

Naging habit na ang panonood ng programa lalo na nang mga kababayan natin sa abroad na laging nakaabang dahil karaniwang gabi sa kanila at sabik sa mga pinag-uusapang mga kontrobersiya sa showbiz. Kahit nga ang kaibigan at kolumnista ng PSN na si Gorgy Rula na kagagaling lang ng Amerika ay nagkuwento na maraming naghihintay ng Take It… doon.

Have a healthy and prosperous 2020 everyone.

APL.DE.AP

KC CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with