Hindi pa man natatapos ang Metro Manila Film Festival 2019 at pinag-uusapan pa ang mga pelikulang nanalo at hindi nanalo sa Gabi ng Parangal at mga kumikita at nangulelat sa box office, ito at may possible entry na agad for MMFF 2020.
Yup, you read it right. Ito ay ang Magic Land na produced ni former Cong. Albee Benitez.
Ayon mismo sa dating politician-turned-movie producer, more than P100 million na ang nagagastos nila sa Magic Land dahil sa heavy computer graphics ng pelikula.
Dagdag ng former politician, mako-consider ito na ‘one of the most heavily produced-film with computer graphics, nang minsan maka-chika namin siya.
Sa kabuuan, almost 80% diumano ang may computer animation na by scene pala kung gawin kaya matrabaho at magastos ayon pa sa pulitikong movie producer na rin.
Mga animator na gumagawa ng Hollywood film ang ilan sa nasa production ng pelikula ayon pa kay Mr. Benitez.
Sa nagastos na nilang P100 million, wala pa raw doon ang budget for distribution, marketing, promo etc. etc. kaya may chance itong umabot sa P150 million.
Katuwiran ng producer na hindi na gaanong baguhan sa paggawa ng pelikula ay susubukan nilang i-upgrade sa Magic Land ang local movie industry.
Computer game na naging reality ang kuwento ng movie na gagawan din nila ng game app. Ang Magic Land na rin ang magiging launching promo ng theme park nila sa Negros na Magic Kingdom na simultaneous daw ang magiging launching.
Nauna nang ginastusan ni Mr. Benitez ang launching movie ng Kapamilya actor na anak na si Javi na Kid Alpha One na isang action film at plano naman nilang isali sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.