^

PSN Showbiz

Sikat at madatung na personalidad, puro kahihiyan ang ginagawa sa buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa biglang tingin ay parang nakaiinggit ang buhay na meron ang isang pamosong female personality. Kung mga materyal na bagay ang magiging basehan ng kaligayahan ay meron na siya ng lahat-lahat na pinapangarap lang ng mas nakararami.

Madaling sabihin na masaya na siya sa kanyang buhay, hindi man siya magbanat ng buto ay abot-kamay lang niya ang kaginhawahan, pero hindi nga sapat ang basta ganu’n lang.

Kuwento ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Kapag dumarating ang ganitong panahon, mas malungkot si ____(pangalan ng female personality). Marami kasing kulang sa buhay niya.

“Gaano man siya kayaman, hindi kayang gamutin ng mga material things ang hinahanap niya. Nasa loob kasi ‘yun, wala sa labas.

“Hindi niya alam kung sinu-sino talaga ang totoong nagmamahal sa kanya. Meron siyang mga kapatid, pero siya mismo ang nagsasabing pera lang ang kailangan sa kanya.

“Mas gusto nga niyang hindi kasundo ang mga kapatid niya, kasi, ang katwiran niya, kapag magkakabati sila, e, nalalaslas ang bulsa niya!

“Pero kapag kailangan niya naman ng kakampi, e, handa siyang magpalaslas ng bulsa, handa siyang maghatag ng datung, dahil kailangan niya ng kakampi sa labang hinaharap niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kahit sa linya ng pakikipagkaibigan ay hindi alam ng female personality kung sino ang totoo at nakikipagplastikan lang sa kanya.

“Marami na siyang friends na dumidistansiya sa kanya. Hindi kasi nila gusto ang mga naririnig nilang comments na bakit sila nakikipag-close du’n sa female personality, e, puro kahihiyan lang naman ang mga pinaggagagawa sa buhay?

“Iilan na lang ang mga friends niya ngayon, ‘yung mga matiisin na lang, pero one day, aalis na rin sila, iiwas na sa female personality.

“Malungkot ang buhay niya, kasi, ‘yung hinahanap niyang real love, e, hindi niya hawak ngayon. Palipat-lipat siya, papalit-palit, searching for that kind of love.

“Hanggang hindi siya nagpapakatotoo sa sarili niya, e, wala siyang makikitang tunay na pagmamahal. Marami kasi siyang pretensions, marami siyang bitbit na negativity sa puso niya.

“Kailangang tanggalin niya muna ‘yun para makita niya ang sarili niya na masaya na talaga siya. Hanggang marami siyang duda, hanggang marami siyang kuwentong ilusyon lang, e, palagi talaga siyang malulungkot,” pagtatapos ng aming napapailing na source.

Mga kapatid inayos ang buhay Kim buhos ang biyaya!

Napakasaya ng pagtatapos ng taong ito at pagsalubong sa Bagong Taon ni Kim Chiu. Ang kanyang kapatid na si John Paul ay isa nang commercial pilot ngayon.

Sa Canada kumuha ng Aeronautics ang nakababata niyang kapatid, hindi man ipinagma­makaingay ni Kim ay siya ang tumustos sa pag-aaral ni John Paul, ganu’n kaganda ang puso ng aktres para sa kanyang pamilya.

Nu’ng magdesisyon si John Paul na mag-aral sa flying school sa Canada ay nabasa namin ang nagmemelangkolyang post ni Kim. Napakasakit para sa kanya ang mapawalay si John Paul pero kailangan nitong paghandaan ang kanyang kinabukasan.

Pangako ni Kim sa kanyang yumaong ina na hanggang makakaya niya ay hindi niya pababayaan ang kanyang mga kapatid. Matindi ang kanilang pinagdaanan nu’ng mga bata pa sila.

Mabuti na lang at nakadisenyong magtagumpay bilang artista si Kim, pumila siya sa audition ng Pinoy Big Brother sa Cebu, natanggap siya at tinanghal pa ngang kampeon.

Kuwento nu’n sa amin ng isang close kay Kim, “’Yung mga unang talent fee niya, hindi nagtatagal ‘yun sa kanya, ipinadadala niya agad sa mga kapatid niya.

“Sinuwerte siya, ang dami-dami niyang projects, sumikat siya nang husto, kaya guminhawa ang buhay ng pamilya niya. Binigyan niya pa nga ng puhunan ang father niya para makapagnegosyo.

“Tinapos niya ang lahat ng problema ng mother niya, siya ang nagpaaral sa mga kapatid niya, ganu’n katinding magmahal si Kim, kinaya niya ang lahat para sa family niya,” kuwento nito.

Kaya naman umaagos ang biyaya para kay Kim Chiu. Kaya naman kahit napakarami nang bagong mukha ngayon ay namamayagpag pa rin ang kanyang karera.

AERONAUTICS

JOHN PAUL

KIM CHUI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with